"Totoo ba?" Matapang kong tanong.
Bored na bored ang mukha niyang tumingin sa akin. "What?" Tanong niya rin, tinigil ang pagsusulat sa yellow paper.
"Kayo ni Yen?" Napalunok ako. "Sinabi niyo lang 'yan para tigilan na kita, tama ako diba?"
"No. She's really my girlfriend, I've been courting her for a long time." Pinaikot niya ang ballpen sa daliri niya. "Why should I lie? Even if you know, you still won't stop because you're desperate."
Hindi ko maiwasan makaramdam ng kirot. His words only hurt me.
"W-Why is it so fast?! It's impossible to–"
"Anong meron kung girlfriend ko siya? Well, I like her. Unlike you, no matter how hard you try, I will never like you." Pagod siyang tumingin sa akin. "Ngayong may girlfriend na ako, tigilan mo na ako."
"Gusto kita, Chavion." Nakagat ko ang labi para matigil ang nagbabadya kong luha. "Gustong gusto kita."
Galit siya tumingin sa akin. "Hindi kaba naawa sa sarili mo? Tingnan mo muna ang sarili mo bago kita magustuhan." Seryoso siyang tumingin sa akin. "I don't want to consider myself like your boy toys; I don't want to waste my time on you."
Muli niya ako tinalikuran sa pagkakataon na 'to. Hinding hindi ako papayag na magkatuluyan ang dalawa na 'yon! Sigurado ako na ginawa lang 'yon ni Chavion para tuluyan ako patigilin.
Hindi parin ako tumigil sa pangungulit sa kaniya. Araw-araw, nilalagyan ko ng love letter ang locker niya. Sa tuwing may laban siya sa speech, nandoon ako. No matter what the competition is, I'm always behind him as a supporter. Patago ko nilalagyan ng pagkain at inumin ang desk niya pero ang ending nakikita ko lang sa basurahan.
"Hindi kaba titigil?!" Pababa ako sa hagdan nang pigilan ko ni Yen. "Why do you keep flirting with my boyfriend!"
Inis ko inalis ang kamay niya sa akin. "Is it really your boyfriend?" I smirked.
Bigla namula sa inis ang mukha niya. "You're so desperate, you can't accept that he chose me over you!"
Hinila niya ako palayo sa hagdan at isinandal sa pader. "Ano na naman ba ang pakulo mo, ha? Nag fe-feeling girlfriend ka lagi!" She added.
Hinawi ko ang kamay niyang nakaduro sa akin. "Bakit? Natatakot ka na baka maagaw ko? Na baka hindi matuloy ang pag pa-panggap niyo?"
Nilabanan niya ako ng tingin. Natawa siya saglit. "Ako matatakot? Bakit niya ako ipagpapalit sa malandi, papansin at sa desperadang katulad mo? Baka sa Mommy niya palang bagsak kana!"
"Pakealam ko sa Nanay niya, eh si Chavion lang naman ang gusto ko!" I rolled my eyes. "Tumabi ka nga! Dadaan ako. Wala pa ang truck ng basura kaya huwag ka muna tumambay sa school!"
"Totoo nga ang sinasabi nila."
Napalingon ako nang magsalita ito.
"Na ano? Na masama ang ugali ko? Oo–"
"Na manang mana ka sa Ina mong mukhang pera!" Nakangisi siyang naglakad palapit sa akin. "Ganoon siguro ang gusto mo kay Chavion 'diba? You know they're rich so you're like a thirsty dog–"
"Kahit sabihan mo na akong malandi, wala akong pakialam! Basta huwag mo lang idadamay ang Nanay ko!" Hinila ko ang buhok niya. "Hindi mo alam ang pinagdaanan namin para maliitin kami!"
She screamed and tried to get away but I didn't let her. Gigil na gigil na ako sa babaeng 'to! Pinalampas ko ang pang-lalait niya noon, pero ngayon hindi na!
BINABASA MO ANG
Yesterday Dream (Not An Angel Series #6)
Teen FictionNot An Angel Series #6 (Completed) Sherelia Moreen Sarmiente is the type of woman who is determined to get what she wants. Lahat ng paraan naiisip niya para lang sa sariling kagustuhan. Kahit butas ng karayom lulusutan niya matupad niya lang ang mat...