"Just don't forget class... Ang denotatibo ay tunay na kahulugan ng salita, samantala ang konotatibo ay tumutukoy na karagdagan na kahulugan depende sa intensyon o motibo ng taong gumagamit." He reminded after taking the papers that his student checked.
I just stared while he was busy teaching. Kakatapos lang nila mag check about sa paksa nilang denotatibo at konotatibo.
"I hope, madami sainyo ang tumama." Hawak niya ngayon ang papel ng mga bata. Tumingin siya sa relo. "May twenty minutes pa bago mag time, hindi ko pa kayo pwede pauwiin, so while there is still time, I will discuss our next lesson."
Kitang kita ko ang pagkakamot ng ilang estudyante sa ulo. Ang iba ay humihikab na and obviously want to go home. Ganiyan rin ako noon, e.
"Excuse me," mahina niyang saad. He opened the laptop and connected it to the TV. Inusod ko agad ang kamay kong nakaharang doon at inilipat ang upuan kung saan malaya siya makakakilos.
I just watched him while looking for his file. Napansin niya atang nakatingin ako, kaya napalingon ito sa akin. "Just a moment, malapit narin kami mag time."
I nodded and let him do what he was doing. Nang maipresent ang PowerPoint niya, ay nagsimula na ito mag discuss.
Nagtaka pa ako kung bakit itinapat ang laptop sa akin. Hindi ko naman matanong kasi busy siya nag sasalita sa unahan.
"Can you press next?" Lumingon ito sa gawi ko pagkatapos magsalita.
My lips parted. Gusto ko siya irapan sa harap ng estudyante niya ngunit ayokong isipin nilang attitude akong fiance. Kaya naman pala hinarapan ang laptop sa akin.
"Ang maikling kwento ay may tatlong elemento." Sumandal siya sa table. "Tauhan, tagpuan at banghay. Familiar na ang tauhan at tagpuan sainyo. Basta tandaan niyo ang tauhan ay nagbibigay buhay sa kwento, sa tagpuan naman ay kung saan naganap ang mga pangyayari."
Tumingin muna ito sa akin bago muli tumingin sa harapan. "Sa banghay naman ay ang pagka sunod-sunod ng pangyayari. May limang parte ang banghay.."
I fanned myself as I started to feel the heat. Kakaunti ang kanilang electricfan. Madami nakadikit sa dingding, ang problema nga lang ay iilan ang mga gumagana. Tanging mga estudyante lang ang nahahanginan.
"Ang unang parte ng kwento ay ang simula, dito pinapakilala muna ang mga tauhan. Ang sunod naman ay makikita ang saglit ng kasiyahan kung saan naglalahad ang tauhan, makikita na doon ang suliranin."
Nagtaka ako bigla nang pumpwesto ito sa tabi ko. Nag-angat tingin pa ako at pinapanood siya mag turo.
Ang hawak niyang papel ay ginamit para paypayan ako. One of his hands was holding the back of my chair while his other hand was busy fanning me.
"Ang pang apat na parte naman ay ang kakalasan, dito makikita ang mga pwedeng solusyon sa kwento o patungo sa wakas ng kwento. At syempre pang huli ang wakas, doon natin makikita ang kahihinatnan ng kwento..."
"Sir, parang pinag papawisan si Ma'am." His student said while looking at me.
I heard some of them say 'ayiie' while others covered their mouths, halatang kinikilig.
"Oras ng klase ngayon, Ben." He calmly scolded the student.
Natahimik tuloy ang mga bata at parang natakot mag joke sa teacher nila. "But, it's good that you noticed." Pahabol niya before wiping the sweat from my forehead with his own hand.
Patago ko hinampas ang likuran niya habang nangingiti sa mga batang panay ang tili. Gusto ko na mag walk out pero nanatili parin ako sa loob.
Hindi manlang pinansin ang paghampas ko. "Hanggang doon lang ang topic natin sa maikling kwento, isusunod ko naman para bukas ang tatlong uri ng pag-ugnay." May dinukot siyang goma sa bulsa at ginawa 'yon panali sa papel. "Any questions?" Pahabol niyang tanong.
![](https://img.wattpad.com/cover/300358995-288-k101705.jpg)
BINABASA MO ANG
Yesterday Dream (Not An Angel Series #6)
Novela JuvenilNot An Angel Series #6 (Completed) Sherelia Moreen Sarmiente is the type of woman who is determined to get what she wants. Lahat ng paraan naiisip niya para lang sa sariling kagustuhan. Kahit butas ng karayom lulusutan niya matupad niya lang ang mat...