Sa sobrang pag pupumiglas ko sa loob ng van, I fell asleep without being able to escape and get an answer from them."I can't see anything!" Sigaw ko nang magising ako. "Mga bobo, bakit niyo kinuha ang mga mata ko!"
Someone grabbed my hand and pulled me down from the van. Malakas ko siya sinipa pero hindi parin ako mabitawan.
"Tanga! May nakatakip sa'yong panyo, hindi mo ba nararamdaman?" Bakas na inis niyang saad. "Hirap naman mag adultnapping ng bobo."
Leche! Medyo na offend ako doon, ah.
"Kayo ang bobo! Nanahimik ako dito tapos kinuha-kuha niyo ako! Mga ingot!" Bulyaw ko.
Wala akong nakuhang sagot, nanatili siyang nakahawak sa aking kamay. As we walked I felt something strange. The sunlight hits my skin and my feet sink into the sand.
Paunti-unti may sagot na bumubuo sa utak ko. Sa paraan palang ng pagkuha nila at pagka-usap sa akin. Shit! Bakit ba ngayon ko lang 'to naisip?! Eh, ganito rin ang nangyari kay Karina pero ibang way naman ang ginawa nila.
"Do you know my friends?" Tanong ko.
Sinusubukan ko sila hulihin, gusto ko makasigurado.
"Pakialam namin sa kaibigan mo!" Sabat nung isa. Halatang pilit ang boses para hindi makilala.
"Oo nga, kilala ba namin 'yan? May makukuha ba kami sakanila?" Tanong nung isa nag boses duwende.
"Ah, wala. Gusto ko lang mag rant about sa kanila." Pinipigilan ko ang pagtawa.
Narinig ko ang pag-ubo nung isa sa kasama nila. Hindi ko makilala, because apart from not seeing them, they even changed their voices.
"Oh, what's wrong with your friend."
I sighed. "Kasi may kaibigan akong pangalan ay Clark, feeling ko napilitan lang 'yung fiance niya–aray sino 'yon?!" I groaned when someone threw a plastic bottle on my head.
"A-Ah, wala 'yon. May tangang naglalakad tapos nadapa." Paliwanag nung boses mandirigma. Ang lalim ng boses niya pang diablo, char.
Napangiwi ako. "Eh, ano connect nung pagkadapa niya sa paghampas ng bote sa ulo ko?"
"May hawak siyang plastic bottle nun, bigla lumipad at tumama sa ulo mong walang laman." He answered.
I dramatically gasped. "Ay? Bobo naman ng may gawa nun."
Nakaramdam ulit ako ng hampas sa ulo ko. "Sino 'yun?!" Inis kong tanong.
"May nadapa ulit."
Kung wala ang panyo at hindi sila nakahawak sa kamay ko baka nabatukan ko na siya. Halata naman na silang tatlo ang kumuha sa akin. Bakit ngayon ko lang naisip? But my question now is, why are they doing this to me?
Nag effort pa sila para makuha ako. Talagang nag contact lenses pa. Mga tanga!
"Sure kaba napilitan 'yung fiance nun? Hindi mo ba napapansin na mahal nila ang isa't isa?" Tanong nung boses diablo, panigurado si Clark 'to.
"Hindi. Sa mukha nung Clark na 'yon mamahalin ni Creselia–aray naman, bakit ba kayo nanakit?!" I moaned, something suddenly pinched me.
"Anong kami? Sisihin mo 'yung lamok!"
Napaismid ako. "Tigilan niyo ako! May lamok bang nangungurot?"
"Meron, 'yung lamok na dumapo sa'yo." Mabilis na saad nung boses chipmunks.
BINABASA MO ANG
Yesterday Dream (Not An Angel Series #6)
Teen FictionNot An Angel Series #6 (Completed) Sherelia Moreen Sarmiente is the type of woman who is determined to get what she wants. Lahat ng paraan naiisip niya para lang sa sariling kagustuhan. Kahit butas ng karayom lulusutan niya matupad niya lang ang mat...