🥀Chapter: 13

6.6K 62 5
                                    

"Lasing na, pre. Bakit mo kasi inaaway, naglasing tuloy." Carl shook his head as he watched my husband slumped over the table, a lot of beer scattered. "Ang daldal niyan kapag ikaw ang topic, kesyo daw hindi mo siya pinapansin tapos hindi mo manlang daw siya binabati at binibigyan ng good morning kiss." Pag daldal niya.



Napabuntong hininga ako. Pagod na nga ako sa trabaho, pati ba naman sa asawa ganoon rin. My gaze landed on Chavion again, obviously drinking too much.



I just got home from work, I got a call from Carl, Chavion was here having a drink with him. nandito pala siya nakipag inuman lang sa club. Kanina pa raw sila kaya medyo may tama narin ito.



"Pasaway." Bulong ko. Nilapitan ko siya at sinubukan buhatin kaso mabigat. "Carl, pa help naman, oh." Nilingon ko ito, busy sa cellphone, nakakunot ang noo.



"Ano ba kasi nangyari sainyo? Ayaw na nga umuwi niyan kasi parang wala nadaw siyang asawa." Pag kwento nito, hirap na hirap siya mag buhat.



Napaiwas ako ng tingin. Maski ako ganoon narin ang nasa isip sa tuwing umuuwi sa bahay. Mahigit isang buwan na kami hindi nag-uusap, siguro napagod na siya makipag usap sa hangin kaya tahimik narin ito, nag papaka busy sa work niya.



"May pinag talunan lang." Mahinang sabi ko, pinasan niya ito sa likuran para mapadali ang buhat.



"Pinagsisihan na nga niya e, kanina pa siya banggitin nang banggit ng fuck! It's my fault, it's my fault. Hindi ko naman alam ang tinutukoy nun." Ginaya pa niya ang boses ni Chavion, may pag akting pa nakahawak sa ulo.



Binuksan ko ang kotse para maipasok siya doon. Hindi manlang gumagalaw, sobrang himbing ng tulog.



"Kasalanan naman niya talaga." I shook my head. "Salamat, Carl!" Saad ko bago pumasok sa kotse.



The fool just waved and smiled.



Pagka-uwi namin sa bahay, halos mapaungol ako sa bigat niya habang binubuhat siya. Sinusubukan ko tapikin kasi ayaw talaga magising.



"Argh! Pasaway talaga!" Pa gewang gewang kami, nasasakal nanga ako ng braso niya.



Pagkapasok namin, agad ko siya ibinaba sa sofa. Napahawak ako sa aking bewang sa sobrang pagod.



"I'm sorry, wife... please forgive me."



Naalis ang tingin ko sa botones ng uniform nito nang magsalita siya pero ang mata ay nanatiling nakapikit.



"Lasing nang lasing, hindi naman kaya!" Panenermon ko kahit impossibleng naiintidihan niya.



Kumuha ako ng polbo para lagyan ang mukha niya, ganoon daw kapag lasing... Mahihimas-masan kapag na polbohan.



Matapos siya mabihisan, ako naman ang nagpalit ng damit. Dinalaw na ako ng antok kaya binagsak ko ang aking sarili sa kama. hindi ko siya kaya buhatin, iniwan ko muna sa sofa.



Kinabukasan day off ko, hinayaan ko muna ang sarili matulog nang matagal, deserve ko 'yon. Tanghali na'ko nagising, nadatnan ko siya nakahawak sa ulo gawa ng hangover.



Hindi niya ako napansing dumaan sa kusina. Kinuhanan ko siya ng malamig na tubig at gamot para matanggal ang sakit ng ulo niya. Kumuha rin ako ng cup noodles para mahimas masan.



"Humigop ka muna bago mo inumin 'to." Ibinaba ko ang mga kinuha sa kusina. "After that take a shower."



He looked up, surprised to see me in front of him. "You're here."



Yesterday Dream (Not An Angel Series #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon