🥀Chapter: 5

6.9K 87 1
                                    

"Huwag kana makulit, Sherel." Hinihila niya ako palayo kina Miracle. "Let's go home."

Kahit hilong-hilo na 'ko, nagawa ko pa ito itulak. "Ano ba! Hindi pa kami tapos may party!!"

"You're drunk, Sherelia–"

"I'm not!" Sagot ko. Malakas ako tumawa. Tinamaan na ako ng alak.

Akmang babalik ako sa pwesto kung nasaan ang mga kaibigan ko, kaso nakaramdam naman ako ng pagkahilo. Napahawak ako sa upuan para hindi mawalan ng balance.

"Damn, wife!"

Inalalayan niya ako, kusa pumulupot ang kamay nito sa aking bewang. "Bakit kasi binitawan mo ako?! Sinadya mo siguro 'yon! Isa 'to sa mga plano mo 'no?!" I accused him. "Akala mo hindi ko malalaman?! Pisti ka!"

Wala akong narinig na sagot kahit panay ang hampas ang inaabot niya sa akin. Naramdaman ko nalang nasa loob na kami ng sasakyan niya.

"Hindi pa tayo pwede umuwi! Hindi pa ako nakakabalot ng handa natin!" Balak ko sana buksan ang pintuan kaso hindi na mabuksan.

"Shhhh," saway niya. He held my leg while focusing on the road. "Go to sleep first."

Inis ko hinawi ang kamay niya sa akin at bahagyan lumayo para hindi niya ako mahawakan. "Huwag mo ako hahawakan!"

"Fine, fine.... Basta matulog kana." He said softly.

I put my head on the window and tried to close my eyes, to sleep...

Biglang bumungad ang mukha ni Valeri sa loob ng cr habang busy ako mag retouch. Halatang nagulat siya nang makita ako pero napalitan 'yon ng pag-alala.

"Akala ko, nag transfer kana." Nakapameywang siya habang nakatingin sa salamin. "Wala nang nangungulit kay Chavion, napagod kana?"

I put lipstick on my lips before facing her "'Yan ba ang nasagap mong chismiss." I raised my brow. "Well, I didn't leave. I'm still here..."

Napasinghap siya. "Hindi ka parin titigil sakaniya? Pinahiya kana, gurl!" Inalog niya ang aking balikat. "Beh, sobrang tanga na.. promise!"

Binatukan ko siya. "Huwag mo nga ako hawakan! Pakielamera!" I rolled my eyes. "Hindi ako aalis pero wala akong sinabing hahabulin ko pa si Chavion!"

Parang kumislap ang mata niya. "Nagising kana?" Napalakpak siya. "Yes! Thank you Lord for the good news!" Nakatingala pa siya habang sinasambit 'yon.

"Ugh! Tumabi ka, may klase pa ako." Tinulak ko ito para umalis sa harapan ko. Ang aga-aga nangingielam na naman.

Bago ko pa mabuksan ang pintuan, agad niya ako napigilan. "Sabay na tayo!" Kumapit siya sa braso ko. "Mainit ang ulo ng mga school mate natin sa'yo, sasamahan na kita!"

"Eww! Mas gusto ko pa maging lonely kesa makipag kaibigan sa'yo!" Tinabig ko ang kamay niyang nakakapit sa akin, sabay binuksan ang pintuan palabas.

Hindi ko nakakalimutan ang mga pinag gagawa niya sa akin noon. Ang dami niyang ginawa para ipahiya ako sa mga estudyante, tapos ngayon gusto makipag kaibigan? Akala niya siguro uto uto ako para maniwala sa ugali niya ngayon.

Dalawang linggo narin ang nakalipas. Sa loob nun, mahigit isang linggo rin ako hindi pumasok dahil sa nangyari. Ang daming kahihiyan nangyari sa akin. Maski sa public place pinahiya ako dahil sa post na kumakalat. Naging uto-uto pa ako para lang hindi kumalat 'yon! Kung hindi ko daw sila susundin, ikakalat rin nila 'yung video na kung paano ako mag makaawa kay Chavion. Leche! Nakakahiya 'yon!

Mabuti nalang dumating si Karina nun, ang aking step sister. Dahil doon, natauhan na ako. Ayoko masyado mag pa apekto sa mga taong nasa paligid ko. Kung ano man gawin nila, lalaban ako! Kahit mag mukha akong masama.

Yesterday Dream (Not An Angel Series #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon