I took a deep breath after looking at myself in the mirror. Both my eyes are swollen and red.
Ito ang pinaka-ayaw ko sa lahat, 'yung ganitong pakiramdam. Ang bigat sa dibdib, parang ang hirap labanan.
I smiled bitterly. Akala ko, okay na. Akala ko lang pala masaya kami, hindi pala. Siguro pinaramdam lang sa akin si Chavion para maranasan ko maging masaya kahit sa kaunting panahon.
Si Yen parin pala.
Matapos tumawag ni Yen nung gabi na 'yon, pinatayan ko na agad. Hindi ko na kaya pakinggan ang boses nito na labis mag-alala sa asawa ko.
Bakit alam niyang nag-iinom si Chavion nung gabi nun? Nagkikita ba sila?
May biglang pumasok sa utak ko.
My breathing became heavy again, ang mga luhang nailabas ko kagabi ay muli tumulo sa aking dalawang pisngi. Napahawak ako sa table, nakaramdam ako ng hilo. Kagagawan 'to ng pag-iyak kagabi.
Even though my body was weak, I still insisted on taking a bath. Madami pa gagawin sa company, hindi pwedeng umabsent. Baka sugudin na ako ni Mommy.
Pagkababa ko, naabutan ko si Chavion nagkakape. Mariin ang pagkahawak ko sa aking bag. Kahit narinig niya ang bawat hakbang sa hagdanan, he didn't look at me or even glance at me.
Tuluyan naba ako napalitan? Kaya ganito ang trato sa akin?
Kumunot ang aking noo sa kinakain niya. Seriously? Why are there so many hotdogs on his plate? Adik amp. Ang alam ko hindi siya mahilig sa mga ganiyan.
Kahit gusto ko man siya kausapin, hindi ko magawa. Natatakot ako sa pwede malaman, pagod na pagod na ako umiyak. I want to keep my brain away from overthinking.
Tahimik ako umupo, balak sana mag timpla ng kape. Muli ko siya sinulyapan, nakatitig parin sa cellphone habang kumakain na ngayon ng hatdog.
It's like I don't exist in front of him, ginagawa akong hangin sa paningin niya
"Stop staring at me." Malamig niyang saad.
Nakatingin na ito sa akin, may malalamig na tingin. Hindi na siya ang asawa kong nanlalambing tuwing umaga, tanghali, at gabi. Ibang-iba na ito sa minahal ko.
"Bakit ka uminom?" Hindi ko mapigilang na itanong.
He was slightly stunned, not even answering my question.
Napayuko ako at nakagat nang mariin ang labi. Sa sobrang inis ay tumayo akong walang paalam. I left without looking at him. Magsama sa sila ng hotdog na kanina pa niya kinakain! Maging hotdog narin sana siya!
Malaman ko lang talaga at makita sila sa akto, I will give him willingly to his woman.
Kahit mahirap ay nag focus ako sa trabaho, napapahawak ako minsan sa pader sa tuwing nakakaramdam ng pagkahilo. Panigurado gutom lang 'to, hindi ako nakakain kaninang umaga.
Sinilip ko ang cellphone nung panahon nasa kalagitnaan ng meeting. Wala manlang kahit isang chat si Chavion. Mukhang wala talaga ito pakielam sa asawa niya.
I looked up when I felt hot tears coming down to my cheeks. Hindi ako pwede umiyak, maraming employee makakakita sa akin.
Kinagabihan, nagising akong walang katabi. Maaga ako nakauwi, dahil masama ang pakiramdam ko. I felt hungry when I woke up.
It was exactly nine pm when I left our room. Mahina lang ang paghakbang ko baka natutulog narin si Chavion.
"What else?"
BINABASA MO ANG
Yesterday Dream (Not An Angel Series #6)
Teen FictionNot An Angel Series #6 (Completed) Sherelia Moreen Sarmiente is the type of woman who is determined to get what she wants. Lahat ng paraan naiisip niya para lang sa sariling kagustuhan. Kahit butas ng karayom lulusutan niya matupad niya lang ang mat...
