"Can I go with you?" Pag labas ko sa pintuan ng kwarto ay bumungad si Chavion. Karga niya ang limang buwan na baby.
Napahawak ako bigla sa dibdib, nakakagulat siya. Sumulpot nalang nang biglaan.
"'Diba sabi mo ikaw mag babantay kay Aristair?" Kumunot ang noo ko. Wala siyang pasok ngayon, nag presinta siyang mag-aalaga sa bata.
Ewan ko ba, bigla sumunod nang malaman kay Manang na mag papa-ultrasound ako.
Bumaba ang aking tingin sa batang may hawak na stuff toys. Hinahampas niya sa dibdib ni Chavion. Nakakatuwa, talagang lumalaki na siya.
He licked his lower lip. "Ah, yah. But, gusto ko rin malaman kung ano ang magiging gender ng anak natin."
Tumaas ang kilay ko. Sa loob ng limang buwang ngayon lang ako mag papa ultrasound. Masyado naging busy nung nakaraang buwan.
"I don't think kung pwede si Aristair doon." Pinalobo ko ang aking kaliwang pisngi. "No one will watch over him."
Chavion's face suddenly became sad, and disappointed. Gustong-gusto niya sumama, halata 'yon sa mga mata niya.
Hinaplos nito ang ulo ni Aristair, may kaunting buhok na ito. "Nandito si Manang pwede ba siya muna? Please, wife. Gusto ko sumama sa'yo." Mahihimigan mo sa boses ang pagmamakaawa niya.
I sighed. "Isama nalang natin, let's advance his check up this month." Kinuha ko si Aristair. "Mag bihis kana, ako na bahala mag bihis sakaniya."
Lumiwanag ang mukha niya at mabilis tumango para tumungo sa kwarto namin noon. Hanggang ngayon, nasa guest parin kami. Madalas ko siya nakakausap pero hanggang about lang sa baby namin. Hindi ako masyado nakikipag daldalan katulad noon.
A lot has changed in five months. Mas lalo siya naging maingat sa amin, palagi rin umuuwi ng maaga para lutuan kami ng hapunan. Siya rin minsan ang nagbabantay kay Aristair.
I go to the office but not as often as before. Tatlong araw sa isang linggo ako nakakapunta doon, kapalitan ko si Mommy.
Kumuha lang ako sa mini cabinet ni Aristair ng terno na damit. Sobrang cute niya nga sa suot nito.
Hindi na ito tulad noon na bugnutin, palagi na siya behave. Sobrang bait at tahimik na.
Kumuha lang ako sa lagayan niya ng mga ilang kakailanganin tulad ng gatas, pampers and wipes at towel. Mahirap na baka doon siya abutin sa pupuntahan namin.
Tatlong beses kumatok si Chavion bago buksan ang pintuan. "I'm done." He smiled lightly before approaching Aristair. "So handsome, buddy!" Binuhat niya ito at hinalik-halikan.
"Tara na." Kinuha ko ang bag kung saan nakalagay ang mga needs ni baby.
"Ako na mag bu-buhat." He said before taking the bag from me.
Hinayaan ko nalang at hindi nagsalita. Pagkasakay namin sa sasakyan niya. Kinuha ko si Aristair para ikandong habang siya ay nagmamaneho.
Tahimik ang naging biyahe, only Aristair's voice could be heard. He was babbling constantly, still pointing at something out the window. Tuwang-tuwa naman ako habang tinitignan ang mga tinuturo niya.
Bumaba kami sa isang hospital, maganda raw dito kaya sumangayon akong na dito nalang mag pa ultrasound.
Buhat niya si Aristair nang bumaba kami, ang dami nakatingin sa mag-ama. Hindi ko alam kung saan sila natutuwa, kung sa bata ba or sa ama.
BINABASA MO ANG
Yesterday Dream (Not An Angel Series #6)
Teen FictionNot An Angel Series #6 (Completed) Sherelia Moreen Sarmiente is the type of woman who is determined to get what she wants. Lahat ng paraan naiisip niya para lang sa sariling kagustuhan. Kahit butas ng karayom lulusutan niya matupad niya lang ang mat...
