"Ako na nagsasabi sa'yo, itigil mo na 'tong kahibangan mo!" Bulyaw ni Valeri. Hindi ko magawang bigyan ng pansin ang presensya niya. Ang mata ko ay matalim na nakatitig sa dalawang busy mag-aral sa kabilang table. Fuck! Lagi nalang sila magkasama.
I looked at her annoyed "Tigilan mo ako d'yan, Valeri! What else do you need from me?! Nagawa mo na akong ipahiya, tapos ano pa?!"
Malakas niya hinampas ang lamesa at umupo sa harapan ko. "Gusto ko matauhan kana sa kagagahan mo! Mukha kanang desperada–"
"Totoo naman." I shrugged my shoulders. "Simula nang makilala ko siya, desperada na talaga ako! Wala akong pake sa sasabihin ng iba. Matatauhan lang ako kapag nakuha ko na siya." Padabog ko ibinaba ang plastic bottle sa lamesa.
"My ghad.." Napahawak ito sa ulo at bakas ang stress sa mukha. "I liked Chavion too, but I'm not this stupid."
Napaismid tuloy ako at muli kinuha ang tubig para inumin. Bumaling ang tingin ko sakanila. Tahimik nagbabasa si Chavion habang si Yen nag tatanong sa libro na binabasa niya. Nakangiti pa siya, sarap tanggalan ng ngipin.
"Ano ba! Gumising ka nga!" She lifted my chin. "Nakikita mo silang dalawa 'diba? Alam mong siya lang madalas kausapin ni Chavion, siya lang! Talo kana diyan, girl!"
Usap-usapan sila ng ilang estudyante dito. Tanging si Yen ang babaeng kinakausap ni Chavion. Base sa pag istalk ko, magkaibigan ang kanilang ina, kaya madalas silang magkasama. Magkakilala na sila simula pagkabata.
Madalas ko nakikitang magkasama sila. Galit na galit nga ako nang makitang isinakay ito sa kotse niya. Sobra ang selos ko nun, lagi ako napapaisip kung anong feeling sa pwesto ni Yen.
Hinawi ko ang kamay niya. "Anong talo?! Isang tadyak ko lang diyan, baka nangingisay na siya." I rolled my eyes. "Atsaka, bakit kaba nandito?! Magka-away tayo 'diba? Umalis ka nga!"
Her eyeballs are constantly rolling at me. "Naawa ako sa'yo!"
Nanliit ang mata ko. "Bakit naman? Mas mukha kanga kawawa kasi papansin ka nang papansin sa akin. Kahit kailan naman wala ako naging pake sa'yo."
She jokingly grabbed my hair. "Alam mo, let's be friends nalang! Parehas tayong walang kaibigan–"
"Edi, kaibiganin mo sarili mo." Tumayo ako at walang pasabing umupo sa table nina Chavion.
"Hi, Study date?" I still tried to smile even though my hand itched to pull the girl next to him away.
His eyes were cold, hindi ko maiwasan kabahan sa tuwing malapit kami sa isa't isa. "Why are you here?" he asked.
Napalunok muna ako bago matamis na ngumiti. "Wala, gusto ko lang mag-aral rin kasama niyo." Hinila ko ang upuan sa tabi niya at doon umupo. "May ibang subject akong hindi masyadong gets, baka pwede mo ako turuan." Saad ko. Kay Chavion lang ako nakatingin, wala naman ako pakialam sa katabi niya.
"You can learn that by yourself." Singit ni Yen, halatang badtrip kasi nandito ako.
Peke ako ngumiti sakaniya. "Oh, well. Paano ko aaralin kung hindi ko nga alam, edi parang niloko ko lang ang sarili ko?" I rolled my eyes. "Bobo amp." Mahinang pahabol ko.
"If you really want to learn something, find a way. Huwag ka umasa sa iba." Sagot niya na lalong nag painit ng ulo ko. "Huwag puro paganda at pag papansin ang gawin mo, mag aral ka nalang." Dagdag niya.
"That's enough." Mahinang saad ni Chavion. "And you." Bumaling siya sa akin.
"I don't have time for you. Wala akong balak makipag laro." Inayos niya ang libro sa ibabaw ng lamesa nila. "If I had to choose, Yen would be better for me than someone like you." Tumayo siya at tumingin sa katabi niya.
BINABASA MO ANG
Yesterday Dream (Not An Angel Series #6)
Ficção AdolescenteNot An Angel Series #6 (Completed) Sherelia Moreen Sarmiente is the type of woman who is determined to get what she wants. Lahat ng paraan naiisip niya para lang sa sariling kagustuhan. Kahit butas ng karayom lulusutan niya matupad niya lang ang mat...