🥀Chapter: 28

5.9K 48 0
                                        

"Oh, eto na. Ako pa mismo nag deliver sa'yo, ah!" Sabay abot ko ng mga pabango na inoder niya.

Creselia smiled widely, nasa hotel pa ito pero lumabas lang nung nag chat akong nandito sa tapat ng pinag-trabahuan niya.

"Salamat, Mars!" She even double checked inside the paper bag to see kung kompleto ba lahat ng inoder niya. "Nagustuhan ng mga ka trabaho ko 'yung pabango mo, kaya ito ako ngayon nag reseller, hakhak!" Malakas siya tumawa.

Naiiling ako natawa. "Maganda 'yan, extra income rin. Si Clark pag bentahin mo, magaling naman 'yun mag sales talk."

Inalis niya ang tingin sa paper bag. "Hay, naku! Baka 'pag nakarami siya ng benta ay makigaya narin. Gaya-gaya pa naman 'yon, walang originality, amp!" She rolled her eyes. "Anyway, may stock naba kayo nung binili sa aking regalo ni Clark?"

Kumunot ang noo ko at inalala ang tawag sa binili noon sa akin ni Clark. Sa sobrang daming perfume, nakakalimutan ko na 'yung iba.

"Ah, 'yung Peachies Blossom?"

She nodded. "Oo, ang bango nun pucha! Maski si Clark ginagamit narin 'yon, kulang nalang ipaligo niya." Naiiling na saad niya.

Suddenly I laughed. "Kaya naman pala magka-amoy na kayo–"

"Ay si boss!"

Napatigil ako nang tingnan ni Creselia ang lalaki na palabas ng hotel. Ang katawan nito ay may katamtamang laki, hindi payat at hindi naman masyado macho. Ang buhok niya ay parang kapanahunan ni Jose Rizal pero bumagay sakaniya. Makapal ang salamin at mukhang hindi gagawa ng kasalanan.

He smiles innocently whenever someone greets him. Napatuwid nang tayo si Creselia, bigla kasi napunta ang tingin sa amin nung boss nila.

"Mr. Lifuerte! Good afternoon po!" She bowed and smiled sweetly.  "Welcome back po! Musta po honeymoon?!" Sunod sunod na tanong niya sa owner.

Bigla nahiya ang lalaki at nag iwas tingin. Maski ako mahihiya rin kung ganiyan agad ang bungad. Siraulo talaga 'to si Creselia, parehas talaga sila ni Alyssa.

"Oh, well. Masaya naman." Tipid siya ngumiti. Bakas parin ang pagiging mahiyain nito sa harapan namin.

Creselia still couldn't take her eyes off their boss. "Ay, nga pala, boss! Gusto mo po ba bumili? Tiyak po magugustuhan 'to ng asawa niyo po!"

She brought the paper bag closer to her boss and opened it to take a look. "Eto, sir. Mabango 'to, pag ginamit ni Ma'am...sure akong makakabuo agad kayo!"

Mas lalo namula si Mr. Lifuerte. "W-What?"

Naiiling ngumiti si Creselia and jokingly slapped her boss. Halatang sanay na siya makipag salamuha sa amo.

"Ano kaba, Sir! Minsan lang 'to! Nandito 'yung Ceo, oh!" Sabay nguso sa akin. "Pag bumili ka sa akin, tiyak may discount ka!"

Alanganin ako ngumiti sa boss niya, at ganoon rin siya. "Good afternoon, Miss." Magalang bati nito.

I just nodded and smiled back, nakakahiya naman kasi mga pinagsasabi ni Creselia, dapat pala umalis na ako kanina pa.

"Ano, sir? Bilhin niyo na po!"

The man laughed softly. "Sure, I'll buy it."

Creselia's eyes widened. "Alin po dito, boss? Madami kang pag pipili–"

"Is it okay if I buy all of that? May mga nakapag order naba sa'yo?" He scratched his head.

Nagkatinginan kami ni Creselia, bakas ang saya sa mukha nito. "Nako, sir! Wala papo, ang totoo niyan balak ko palang ibenta!"

Yesterday Dream (Not An Angel Series #6)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon