"What the hell, Sherel? Ano ba nangyayari sa'yo, ha?" Napaupo si Mommy sa swivel chair, napahawak sa noo. Stress ang mukha nitong tumingin sa akin. "Bakit imbis na ayusin niyo, mas pinipilit mo umalis?!"
"Hindi na kayo naglalaro dito, Sherelia. Mag asawa kayo! Bago kayo mabasbasan, nangako muna kayo sa harap ng altar–"
"I don't want to stay in a place where I know I'll be hurt! Mom, ayoko na! Hindi naman ako manhid para hindi masaktan.." Naiyukom ko ang aking palad. "M-May damdamin rin ako, Mommy. Ngayon lang ulit ako sumuko.... sana naman hayaan mo muna ako mag pahinga." Garagal na saad ko.
Heto na naman siya para sermunan at makisali sa problema naming mag-asawa. Mas pinipili niyang ayusin ang sitwasyon namin ngayon ni Chavion.
Palagi ako kinukulit about sa lalaki na 'yon. Nang malaman nito na pumasok ako sa opisina, hindi na siya nag- aksaya ng oras para kumbinsihin na bumalik sa asawa kong manloloko.
Dalawang linggo rin ako nawala. Hindi pumasok at hindi nag paramdam. Tanging mga calls and text lang ang narerecieve ko sa Nanay ko na puro sermon ang laman.
Panay ang pag pagpupumilit niyang bumalik kay Chavion.
"Parte 'yon ng pagkakaroon ng asawa, 'nak. Paano kayo magkaka-ayos kung hindi mo siya hinahayaan mag paliwanag." Nanlambot ang mata niya.
"Parte rin ba ng pag-aasawa na saktan niya ako? Bilang may asawa kailangan alagaan, mahalin at ingatan! Hindi pag sinungalingan, lokohin at paiyakin!" My breathing became heavy. "If married life is just like that, a-ayoko nalang... mommy." My voice cracked.
"M-Mas gusto ko nalang bumalik sa pagkabata kung saan nandiyan ka para alagaan at mahalin ako. G-Gusto ko na bumalik sa atin." Kinuha ko ang kamay niya para haplusin. Ang mata nito ay nagsisimula na manlabo dahil sa luhang namumuo.
"Mom, a-ayoko na... Ang sakit..sakit na." I sniffed. "Just take me back, I just want to come back to you."
Tuluyan na tumulo ang luhang iniipon niya. Ang kamay niyang hinahawakan ko ay tinanggal niya. "Hindi naman kita ipagkakasundo kung hindi ka mahal ng asawa mo. I know that boy, he loves you so much. He's at home almost every night just to wait for you. Akala siguro ay doon ka uuwi."
Napabuntong hininga siya. "Naipaliwanag ni Chavion ang nangyari sainyo—"
"Ano? Naniwala naman kayo? Mom, may anak na siya. Binuntis niya 'yon, Mom—"
"Hindi niya anak 'yon!" She cut me off. Muli siya napahawak sa ulo. "Gosh, Sherelia. I'm not here to explain to you. Chavion told me that he'll be the one to explain but I can't help it! Your relationship will be ruined if you don't listen to him!" Tumayo siya at nakapameywang.
"Wala ako sa posisyon ni Chavion pero dahil ayaw mo makipag kita at makipag-usap sakaniya, ako na mismo mag sasabi ng nangyari!" Ang mukha nito ay parang bumalik kung saan sinesermunan ako noong bata. Nakasimangot habang nakataas ang kilay.
Imbis mabuhayan sa sinabi nito sa akin, mas lalo pa namuo ang puot kay Chavion. Ang daming oras at panahon.... pero, bakit ngayon lang niya naisipan mag paliwanag at aminin sa akin? Kung kailan sumuko na'ko? Sino maniniwala kung una palang si Yen parin?
Napatayo narin ako, mahinang natawa. "Naniniwala ka do'n? Wala ka kung saan nahuli ko sila, wala ka nung panahong dinudurog nila ako, mommy!" Nanginginig ang aking boses sa inis. "Hindi mo nga alam na iba ang pakikitungo nito sa akin simula nung dumating si Yen."
"Wala man ako nung mangyari 'yon pero, nagawa ko parin pakinggan siya kahit nabalutan narin ako ng galit dahil sa ginawa niya sa'yo! Kilala ko si Chavion, hindi siya mag sasakripisyo nang matagal para magloko lang sa isang babae." Suddenly the irritation on her face disappeared. "Paanong naging iba ang pakikitungo? Eh, halos ma-praning siya sa kahahanap sa'yo." Naiiling niyang saad.
BINABASA MO ANG
Yesterday Dream (Not An Angel Series #6)
Teen FictionNot An Angel Series #6 (Completed) Sherelia Moreen Sarmiente is the type of woman who is determined to get what she wants. Lahat ng paraan naiisip niya para lang sa sariling kagustuhan. Kahit butas ng karayom lulusutan niya matupad niya lang ang mat...
