🥀Chapter: 29

6.5K 53 0
                                        

"What are you doing?"



Napunta ang tingin ko kay Chavion, may hawak na libro. Nakasuot narin siya ng uniform at ready na umalis.



"A-Ah, kumukuha ng malunggay." Saad ko bago ilagay ang ilang napitas kong malunggay.



"Why did you take so much?" He asked seriously.



Nagkamot ako sa ulo, nag-iisip ng pwedeng palusot para hindi ako mahalata.



"Ah, mahilig siya sa malunggay. Kaya ayon, dinamihan ko na." Sagot ko. Peke ako tumawa bago ulit pumitas ng bago para ilagay sa plastic.



Tumaas ang kilay niya at pinalubo ang pisngi gamit ang dila. "Really, huh? Bakit hindi nalang puno ng malunggay ang ibigay mo." Supladong saad niya bago ako talikuran.



Napaismid ako. Galit na naman siya.



I ran to his car and knocked on the window. Blanko ang mukha nito nung ibaba niya ang bintana. Mukhang nangangamoy jealousy.



I smiled sweetly but his eyes remained cold. Mas lalo ako nag pa cute sa harapan niya pero walang effects.



"Ngingitian mo lang ba ako?" He asked coldy.



Nawala ang ngiti ko.



"You're leaving without my good morning kiss?" I pouted. Grabe naman siya maging moody, bigla nalang aalis.



He tightened his grip on the steering wheel and looked away to take a breath.



Muli siya tumingin sa akin. "Carl looks more like he needs it." He said gruffly before starting the engine.



My lips parted. Aba, talagang dinamay pa si Carl. Pinaandar talaga ang sasakyan at iniwan akong tulala.



"Bwisit!" I yelled. Nasipa ko ang bato kaya tumalsik papunta sa bintana ng kapitbahay.



Napahawak ako sa bibig nang marinig ang tunog ng pagkabasag ng bintana. I secretly peeked whose window I broke, balak ko humingi ng sorry tapos papalitan ang bintana nila.



"Josiphin, ilabas mo 'yung itak ko may bumasag ng bintana natin!"



Napaatras agad ako nang marinig ang sigaw ng isang lalaki. Halatang bagong ligo at may bukol sa ulo. Mas lalo ako pinaghinaan ng loob, leche naman, oh!



Nakonsenya ako sa kalagayan niya, dahan-dahan ako lumapit habang ang lalaki ay panay ang lingon sa kabilang street. Hindi niya alam, katapat lang niya ang nakatama bintana nila.



"Hi, Sir." Mahinhin na bati ko.



Tinignan niya sabay itinago ang itak sa likuran. "Oh, bakit ineng?" Maangas na tanong nito.



"Ano po nangyari sa noo niyo?" I asked pretending to be worried.



He immediately touched what I pointed to, mas lalo siya namula. Halatang galit na.



Patay, parang lalo ko ata ginalit.



"May tarantadong bumato sa bintana namin." Madilim ang mukha nito. "Pag nakita ko kung sino 'yon, malalagot talaga siya. Hindi ko hahayaan makalabas sa village na 'to."



Ilang beses ako napakurap, pilit itinatago ang kaba sa sinabi nito.



Shet, hindi ko naman sinasadya, e.



Yesterday Dream (Not An Angel Series #6)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon