"You may now kiss the bride." Umatras nang kaunti ang pari pagkatapos niya sabihin 'yon.
Parang kiti-kiti si Clark habang itinataas ang viel ng asawa niya. Minsan nabibitawan tapos itataas ulit. Kinakabahan raw siya.
"Ang bagal!" Sigaw ni Miracle. "Nagugutom na 'yung bulate sa tiyan ko!" Pahabol niya. Hinawakan siya ni Lander para paupuin ulit.
Nilingon siya ni Clark. "Pri, saglit lang.... Kinikilig pa ako!" Ngiting ngiti ang loko habang nakatingin kay Creselia. "Ang ganda talaga!"
Mahina siya hinampas ni Creselia. "Bilisan mo narin, gutom na ako."
His eyes widened. "Ay, oo! Ako rin gutom na, parang gusto ko narin mag honey–bar! Tinapay kasi 'yon, misis! Ikaw talaga kung ano iniisip mo, nanakit agad." He snorted, petting his wife.
I couldn't help but smile at the two couples. Parang dati lang ay inis na inis si Creselia kay Clark tapos mag ka-katuluyan rin pala sa huli. Ang bilis ng panahon, ang dami nangyari.
"I always love seeing you smile." A man whispered in my ear.
Napatingin ako kay Chavion na kanina pa pala nakatitig sa akin. He also smiled when our eyes met.
Mahina ako natawa. "Akala ko gustong-gusto mo lang naririnig sinisigaw 'yang pangalan mo sa tuwing–"
"Shh, enough wife. We are in church." Natakpan niya agad ang bibig ko para matigil ang dapat sabihin.
Parehas nalang kami natawa. Naka-akbay ito sa akin habang pinapanood ang mag-asawang nag ha-hampasan sa gitna. Hindi na nahiya, nasa harapan sila ng pari.
After the wedding, we went straight to the reception. Tamang patunog lang ng baso sa tuwing gusto namin sila mag halikan. Alyssa did that on purpose, to make Creselia stop eating. Inis na inis tuloy siya sa tuwing mag ha-halikan sila ni Clark. Nauudlot ang pagsubo niya sa pagkain.
"Ayoko na! Gusto ko na kumain!" Reklamo ni Creselia nang muli mag patunog si Alyssa. "Isang ingay mo pa, papasabugin ko 'yang bunganga mo!" Banta pa niya.
"Alyssa, patunugin mo, gusto namin makita kung paano sumabog bunganga mo." Siniko siya ni Carl sa gilid.
Inismaran siya ni Alyssa. Saktong may kutsilyo siyang hawak gawa ng paghihiwa ng steak na halos hindi namin manguya. "Gusto mo iturok ko sa'yo 'to?" Sabat tinutok ang kutsilyo sa harapan ni Carl.
Napalayo si Carl at nakipag palitan ng upuan kay Stever. "Pre, ako nalang tatabi sa asawa mo, kay Alyssa ka muna tumabi."
Sinilip ni Stever ang bruhang may hawak na kutsilyo. Nakataas ang kilay nito sakaniya. "Hindi pwede, sa akin naglilihi ang asawa ko. Ayaw niyang mawala ako sa paningin niya–"
"Ano ba Stever ang ingay mo, doon kanga sa dulo. Naiirita ako." Iritadong saad ng asawa niya.
"Oh, ayun naman pala e, palit nalang tayo, bro." Natatawang sabi pa ni Carl.
Muli siya tumingin kay Alyssa, nakababa na ang kutsilyo at prente na kumakain katabi ang asawa niya.
"Ayoko parin!" Yumakap siya kay Karina. Inis na inis na ang babae kaya panay ang tulak sa pisngi niya. "Dito lang ako sa babe ko!"
"Stever!"
"Babe, ayoko tumabi sa kaibigan mo, baka maaga ka mawalan ng gwapong asawa." Halos idikit ni Stever ang pisngi sa asawa niya.
Napasulyap tuloy si Alyssa at iniluwa ang karne sa plato nang hindi manguya. "Hoy, asawa ni Karina! Ano kinalaman ko sa pagkawala mo?!" Tanong niya sabay ginawang panturo ang kutsilyong hawak niya.
BINABASA MO ANG
Yesterday Dream (Not An Angel Series #6)
Teen FictionNot An Angel Series #6 (Completed) Sherelia Moreen Sarmiente is the type of woman who is determined to get what she wants. Lahat ng paraan naiisip niya para lang sa sariling kagustuhan. Kahit butas ng karayom lulusutan niya matupad niya lang ang mat...
