🥀Chapter: 11

7.6K 74 2
                                    

While I was busy responding to some important messages at my office, biglang tumunog ang phone ko.



I took my eyes off the laptop for a moment to see who messaged me this afternoon.



Agad kumunot ang aking noo nang makita ang chat ni Clark. Ano naman nakain ng lalaki na 'to?



Akiro Clark Streon

- Sup, Sherel O. 😁



Wala sana akong balak replyan kaso baka may kailangan kaya agad ako nagtipa.



Sherelia Moreen Sarmiente •

- Wut? I'm busy dude.



Ibinaba ko muna saglit ang phone para mag check ng ilang email at ilang message about sa business, hindi rin naman nag tagal dahil nag reply rin si Clark.




Akiro Clark Streon

- Nag hahanap kasi ako ng fragrance na perfect sa complements of lovely personality. Eh, may maalam ka naman sa mga pabango, beke nemen🙏



I held my lips when I felt my smile. Ilang beses ako napailing bago replyan siya.



Sherelia Moreen Sarmiente •

- Ah, para kay Creselia?



Agad niya sineen at nag reply na, napangisi ako habang inaantay ang magiging sagot nito.



Kaso bigla nawala at lumitaw ang mukha niya sa screen ng phone ko. Tumatawag na ang abnoy. Tumikhim muna ako bago ito sagutin.



"Yes?" Maarteng tanong ko rito.



"Huwag ka maingay! Baka ikwento mo pa sakaniya!" Nilayo ko ang cellphone sa tapat ng tenga ko, ang lakas ng boses amp.



I chuckled. "Alam mo mas magugustuhan niya kapag pagkain ang ibinigay mo sa kaniya." Sumandal ako sa swivel chair. "Pwede kay Alyssa at Hari, mga pagkain ang business nun."



"Bakit ko pa kailangan bilhan ng pagkain, e... Kaya ko naman siya lutuan ng mga gusto niya." Pagyayabang niya.



Napailing ako sa kayabangan nito. "Oh, well.... Fine. Based on the scent you want, Peachies blossom came to my mind." I stopped for a moment to check the new email that popped up on my laptop.



"Peachies blossom? Mabango ba 'yan? Anong meron sa pabango na 'yon? Babalikan ba ako kapag binigyan ko siya nun?" Sunod sunod ang tanong na binato nito sa kabilang linya.



Hindi ko maiwasan matawa kaya narinig ko ang tikhim nito. "Well, Peachies blossom is a beautiful fragrance that captures the essence of a blooming garden with its delicate floral notes. Panigurado pag naamoy mo 'yon sakaniya baka lalo ka maging aso niya."



Saglit siya natahimik. "Aba, gago ka talaga! Ano pa? Hindi ako satisfied sa sinabi mo, tell me about sa perfume na 'yan."



I rolled my eyes. "Peachies Blossom is a light and fresh fragrance, perfect for a beautiful, lovely girl like her. It opens with sweet and fruity top notes of juicy pear and sparkling mandarin, creating a delightful burst of energy." Bored na paliwanag habang tumitingin sa relo ko.



"Hmm, interesting! Pabili ng tatlo para I love you para sa kaniya." Humalakhak ito kaya nahawa narin ako.



"Alright, ibibigay ko 'yung mismong calling number ng perfume boutique namin then, pa assist ka doon." Inipit ko ang cellphone sa aking tenga at balikat habang nag ta-type sa laptop. "Humingi ka ng box, then add karin ng letter para sweet." I suggested.



Yesterday Dream (Not An Angel Series #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon