Palipat lipat ang tingin ko sa mag-asawa. Kanina pa sila nag tatalo dahil sa nangyari sa cr nila.
"Bakit kasi nag barado?! Ano ba kinain mo ba't ayaw lumubog niyan?!" Nakakunot ang noo ni Karina habang pinanood ang asawa niyang nag aalis ng barado sa inodoro nila.
"Tumae lang naman ako, bakit parang ang laki ng kasalanan ko?" Naiiling niyang saad. "Babe, kalma kalang. May ibang cr pa tayo kaya huwag ka mamoblema."
"What if we have visitors and see your poops floating around–"
"Eh, sa iba sila mag cr–"
"What if someone else uses cr and that's the only one available?!" Ayaw pa mag patalo, may panlaban pa talaga siya.
Napakamot sa ulo si Stever. "Edi pumila siya habang may ibang tao pa sa loob nun–"
"Argh! Just close it, ang baho!" Karina complained, her nose covered. "Let's let someone else fix it, we'll call–"
"Gagastos kapa, eh may asawa ka naman na kaya mag-alis ng barado."
Inirapan siya nito. "Durog na durog na 'yan, hanggang ngayon ayaw parin lumubog, argh! So baho!" Maarte niyang saad.
Stever wiped the sweat from his forehead. "Yah, it really stinks, babe. Kaya can you make usod, kasi so mainit then so mabaho pa." Ginaya niya ang maarteng boses ni Karina kaya nakatanggap siya ng suntok sa braso.
"Uh, aalis na 'ko." Sumingit ako.
They both looked at me. Karina held her head. "Gosh, oo nga pala nandiyan kapa."
Inismaran ko siya at mabilis inirapan. I'm just here to bring some toys I bought to Sachi. Nag chat kasi ang bata 'yon, nahihiya mag sabi sa Nanay niyang masungit kaya sa akin nang hingi.
Minsan lang siya manghingi kaya pinagbigyan ko nalang.
"Ay, andyan ka pala." Pakikisali ni Stever na lalo ko ikinairap.
"Sa sobrang busy mo sa tae mong ayaw lumubog, you guys forgot I'm still here." I covered my nose, I could smell what Karina smelled.
"Where is your husband? Maybe he can help your brother-in-law."
"Nasa trabaho, nandoon siya sa school ngayon ni Sachi. Pag ganitong araw nasa elementary siya." Tinignan ko si Stever. "Isarado mo nanga, ang baho na."
Binitawan niya ang pang-alis sa barado at sinarado na ang pintuan. "Mamaya ko nalang ayusin, nandito pa kayo..dang aarte e. Mabaho rin naman tae niyo." Nakasimangot na saad niya.
His wife pinched him. "What did you say, huh? Huwag ka tatabi sa akin!"
Halatang kinabahan si Stever at nilambing ang asawa. "Just kidding babe, it's really just Sherel."
Pabiro ko sila sinipa. "Mga bwisit!" Inirapan ko siya.
Karina laughed a little and pushed her husband. "Dito mo nalang padiretsohin si Chavion, isabay nalang si Sachi. Let's have dinner here together, tulungan mo ako mag luto."
Kinuha ko ang phone para i-text siya. Nag reply naman ito agad, pag ganitong oras malapit na matapos ang time niyan.
Iniwan muna namin si Stever, gusto na talaga alisin ang barado sa cr nila. Pumunta muna kami sa labas, may tambayan doon at maganda ang view.
"Kamusta naman kayo?" Nakakunot ang noo na tanong niya.
"Ayos lang naman, hindi niya napapabayaan ang role niya bilang asawa ko." Saad ko bago ilipat ang tingin sa mga halaman.

BINABASA MO ANG
Yesterday Dream (Not An Angel Series #6)
Teen FictionNot An Angel Series #6 (Completed) Sherelia Moreen Sarmiente is the type of woman who is determined to get what she wants. Lahat ng paraan naiisip niya para lang sa sariling kagustuhan. Kahit butas ng karayom lulusutan niya matupad niya lang ang mat...