Warning: Spg
Magkasalubong ang aking kilay nang makitang nag bubunot ng damo si Chavion sa labas ng bahay namin.
I can see some neighbors staring at him, even peeking through our big gate. Kunwari nag-uusap sila pero ang mata ay nasa lalaking seryosong nag bubunot ng damo.
Paano ba naman hindi pag-titinginan, naka boxer lang tapos walang pang-itaas na damit. Paika-ika ako naglakad pabalik sa kusina, wala akong balak puntahan at sabihan ang ilan naming kapitbahay na mag silayas.
Hanggang tingin lang naman sila, samantala kami nakailang round kagabi.
When I got to the kitchen, I made my own coffee, I was planning to make Chavion as well, but I remembered that he woke up early, kaya baka nakapag kape na ito.
Suddenly, his phone rang on the table. Agad ako napatingin doon at bigla nag-init ang ulo nang makita ang caller.
Si Yen.
So, may communication pa pala sila. Well, bakit ko ba hindi naisip 'yon? Eh, close nga pala sila. Maybe, these two have a secret relationship.
Suddenly, my heart ached when I thought that we would just enjoy each other in bed, but he really doesn't feel anything for me. Napatingin ako sa kawalan, pagak ako natawa at binalik ang tingin sa caller na bigla nawala.
Bakit siya tumawag? Gusto niya ba makabalita sa plano nila ni Chavion about sa akin? Muntikan ko na makalimutan ang pag dududa ko about sa pag papakasal niya sa akin. Masyado ako nag enjoy sa mga haplos, yakap, at halik niya.
Ano ba talaga ang pakay niya? Kung talagang seryoso siya sa amin, bakit ni minsan hindi manlang niya maiparamdam sa akin na ako lang? Kung ano ang turing niya sa iba ganoon rin siya sa akin. Masungit, cold at suplado parin ito, nanlalambing naman siya pero alam niyo 'yung walang emosyon tapos humahalik sa akin? Parang ganoon....ni hindi ko nga makitang tumatawa siya! Whatever!
Nawala ang iniisip ko nang biglang mag beep ang cellphone niyan, isang text ang biglang bumungad.
Yen:
- Hey! Answer my calls, We need to talk!
Bago pa tuluyan mamatay ang phone niya ay agad na ulit ito nag ring. Sa sobrang inis ko, kinuha ko 'yon at padabog lumabas ng bahay.
Naabutan ko siya nag didilig ng halaman, wala na mga kapitbahay. He felt me approach so he immediately turned around.
"Morn–"
"Answer these damn calls!" I threw his cell phone and quickly went inside. Iritang irita ako bumalik sa kwarto, ayoko maabutan siya sa loob.
Binaling ko ang inis sa cellphone, panay ang scroll sa Instagram ng mga post. Nadaanan ko ang isang post ni Karina with her own family.
Masaya sila sa picture, parehas sila nakahalik sa pisngi ni Sachi. Nakahiga sila parehas at bakas sa mukha nila ang saya. Bigla ako nainggit, kung sakaling mahal ako ng lalaking pinakasalan ko, ganito rin ba kami kasaya?
Napapadyak ako sa hangin, bwisit talaga! Sana kasi hindi nalang ako nagpakasal sa lalaking may mahal na iba! Siguro si Yen parin talaga, siya parin ang gusto niya. Ginagamit lang siguro ako. Grabe na ako mag overthink, mas lalo umiinit ang ulo ko.
Nawala ang tingin ko sa cellphone nang pumasok ito. There is a little sweat on his forehead and chest, probably from what he did earlier.
I immediately looked away from him, binaling ko ulit sa cellphone. Hinayaan ko siyang maglakad palapit sa akin, bahala siya kung ano man ang gawin niya, naiirita lang ako.
BINABASA MO ANG
Yesterday Dream (Not An Angel Series #6)
Teen FictionNot An Angel Series #6 (Completed) Sherelia Moreen Sarmiente is the type of woman who is determined to get what she wants. Lahat ng paraan naiisip niya para lang sa sariling kagustuhan. Kahit butas ng karayom lulusutan niya matupad niya lang ang mat...
