Napatingin ako sa may pinto because I felt someone was watching us, pero wala naman. Tumayo na kami agad ni Ethan at sabay na pumunta sa gymnasium dahil ang Clauradon at Riverside ang opening game.
Pagdating namin sa gymnasium, mananalo na sana ang Clauradon dahil hindi pa kumpleto ang Riverside dahil kay Ethan. Pero noong nakita nila si Ethan nagsigawan ulit ang lahat dahil alam nilang may competition.
Nakita ko si Dan sa unahan nakapwesto, kaya doon na lang ako pumunta.
"San ka ba galing? Kanina ka pa hinahanap nila Lucas lalo na si Jax alalang alala." Nanenermon na naman tong si Dan, sandali lang naman ako umalis ah
"Sorry! Kasama ko si Ethan"
"Kaya naman pala.. alam mo bang pagkabalik ni Jax dito eh wala sa mood, nakita ata kayo"
"Bat naman mawawala sa mood yon?" Diba? I mean he just saw us together, what's the matter? If he saw us then dapat he called us na agad.
"Hay Ria. Ang manhid mo talaga" ang harsh ni Dan sakin. Grabe haa! Bat naman talaga mawawala sa mood yonn? Kung nagseselos siya, bakit naman? Diba sila ni Dan ang may gusto sa isa't isa? Dapat nga ako pa magselos eh, pero bat parang wala akong nararamdaman?
Grabe, opening game ba talaga to? HAHAHAHA ang fierce naman ng competition pati yung mga tinginan nila parang galit sa isa't isa.
"TIME OUT!" Sigaw ni coach. Pumunta ka agad yung basketball team namin sa bench. May problema ata sila. Kitang kita kasi kay coach na galit sya, tapos ang sama ng tingin nya kay Jax. Si Jax naman parang nakatulala lang, ano meron?
Naririnig ko sa likod ko yung mga bulungan ng mga estudyante.
"Hala, matatalo ata tayo, wala sa mood si Jax eh"
"oh no! I don't want to lose!"
"#omg Riverside is the winner!" Ang arte naman mag salita ng mga to. Tsaka imposibleng matalo kami! Undefeated kaya ang basketball team namin.Pumunta ako saglit sa bench para maki chismis na rin sa usapan nila coach, hindi naman sa bench mismo, malapit lang.
Naririnig ko kung pano strategy nila coach! Bale si Kenneth ang Center so sya ang kukuha ng bola sa jump ball. Ipapasa nya daw kay Clark which is the Point Guard ata? I'm not sure. Then ipapasa nya kay Lucas, sya kasi yung Small Forward and siya rin ang Captain Ball nila, at deserve naman nya, ang galing nya naman kasi talaga sa basketball alam na alam nya na mga tactics kung paano gawin to. Then saka nya ipapasa kay Jax sya yung shooting Guard, aakto daw siyang ishshoot na sana yung bola pero dapat ipapasa nya daw kay Drew, yung power forward, sya na yung mag shshoot na bola.
But, As I was looking at the board, bigla ko na lang narinig na sinisigawan nila si Jax kasi hindi pala siya nakikinig. Ano ba to? Bat hindi to nakikinig? Kaya ayon, pumunta na ako dun sa kanila mismo.
"Kamusta Coach? Anyare?" Deretsong tanong ko na sa kanila agad, eh kasi naman pinagtitinginan na sila gawa ng nasigaw na nga si coach sa galit
"Eto kasing si Jax, Ria. Wala ata sa huwisyo to ngayon eh" kinakamot pa ni Coach yung ulo nya, naiinis nga siguro talaga sya.
"Kaya nga Coach eh, halata nga. Uy Go guys! Kaya nyo yan! Jax, kaya mo yan anoba, ikaw pa ba? Kung ano man ang iniisip mo, maayos mo rin yan o di kaya sabihan mo ko okay? Focus muna guys, nag aantay audience HAHAHA inaabangan nila laro nyo, kaya nyo yan alam ko!" Sinabi ko sa kanila yon at sa kaniya para matauhan sya kahit papano. Nag bbye na ako sa kanila habang winewave yung kamay ko tapos bumalik ako sa upuan ko. Nakita ko naman na medyo umayos na yung mukha ni Jax at nakinig na ulit sya kay Coach. Nagstart na ulit yung laro.
————————-
Habang nag chcheer kami ni Dan para sa Clauradon, may nakikita akong mga lalakeng nakaitim sa bawat corner ng gymnasium. Parang nandito na sila..
YOU ARE READING
The Gangster Couple
RandomMeet The girl who got the looks, the Brains, the power. Also meet the Boy who also got the Looks, the Brains, The power. Meet a Girl Whose Jolly, Super Emotional, and Kind Hearted. Meet a boy whose Antipatiko, Suplado, and Thoughtful. What if, one...