Chapter 32

71 2 0
                                    

"Students, please calm down.. All student council Officers, please come to me."
Sabi nya

Pumunta naman kaming anim kay Sir.
"Ria, Please, I'm begging sumunod kayo sa kanila, I don't want any students to be in Great danger.." nag aalalang sabi nito.
Nagtataka namang napalingon samin sila Calvin at Delancey.
"What's the meaning of this?" Sabi ni Delancey
"Please wag kayong matatakot, magugulat at lalayo samin okay?" I said. Tumango naman silang pareho.
"And Please don't tell this to anyone, this is a secret, kaya walang nakakaalam sa buong school except for the faculties and staff... we are Gangsters.. we are the Mythical Masks.. kami ang hinahanap ng mga lalake kanina..."
Napatakip naman sa bibig si Delancey...
Si Calvin naman ay nanlalaki ang matang napatingin samin.
"For real?! WELL THAT ITS SO COOOOOLLLLL!!" Sabi ni Delancey, kami ang nagulat sa sinabi nya.
"Really?! Sa Mga dyos nyong mga mukhang yan, Gangster kayo?! ASTIGGG!!"
"Aishhh! Tama na yan, mabuti pa at wag nyo na lang sabihin sa iba, Sir, we are going outside na po. At Bella, remove the bottom part of your dress it would be a jumpshort para mas madali kang makagalaw." Enrito said. Tinanggal ko naman ang bottom part ng dress at nagulat ng naging jumpshot nga ito, except na lang sa top part na V neck at backless parin😑
Si Alexi naman ay tinanggal ang bottom part din ng kanyang damit at nagulat ako ng nakasuot na ito ng Leather pants.
"You know, I'm always ready" nakangising sabi nito.
Hindi naman nagpalit ng damit sila Jax at Lucas ngunit, tumingin sila sa inside pockets ng tux nila at may nakita kaming nakahandang mga armas, tulad ng Baril, Balisong at Bala. Ako naman ay may dalang Espada at Bow and arrow, si Alexi naman ay Espada. Sa totoo lang ay mas magaling akong humawak ng baril, ngunit eto kasi ang nagkasya sa ilalim ng long gown ko kaya ganito ang dala ko. Nagpaalam na kami sa kanila at lumabas ng hotel, nakita ko naman ang tito, Tita at pinsan ko sa labas ng hotel.
"Be careful okay?" Nag aalalang sambit ni Tita Yanna
Tumango ako.
"Stay safe." Sabi ni Tito Ryle. Tumango rin ako dito.
Niyakap naman ako ni Ysa at.
"Please be careful ate."
Niyakap ko rin sha ng pabalik. Nagpaalam na rin kami sa kanila.
"Guys your Masks. And contact lenses." Sabi ni Lucas.
Sabay sabay naming pinaglalagay ang mga ito. At kung sakali mang subukan itong tanggalin ng ibang Gang, ay wala silang magagawa, dahil nakaTape ito sa Mukha namin.
Pumunta na kami sa likod ng hotel, at nakita naming, nakabantay anf Men In Black sa dalawang Gang. Halata sa mga Mukha nila ang takot, dahil sa mga hawak palang ng mga Illegal saws na armas ay matatakot ka talaga, Baril, Baseball bat, kahoy, at Kutsilyo.
Halatang alam na alam nila kung pano pumatay ng tao, kami man ay hindi parin nakakapatay ngunit, kung kinakailangan ay kaya naming gawin ito. Sumigaw ang isang Men In Black sa harap ng kanilang mga hawak na gang.
"Siguro'y tumakas na ang mga Duwag na iyon!Hahahaha! Alam nyo na ang gagawin! Kalahating oras na lang ang natitira, para makitang nyo pa ang mundong ito." Nakangising sabi nito.
Nakita kong napangisi si Alex sa sinabi ng Lalake.
"Tss.. Yabang" nagulat ako sa sinabi ni Alex, batid kong Rinig na rinig ng lahat ang sinabi nya, kaya lahat kami ay napatingin sa kanya, pati na rin ang lalakeng nagsalita kanina.
"Anong sabi mo?!" Galit na sigaw nito.
"Wala.." nakangisi at mapangasar na tonong sabi nito.
Nilapitan ng lalake si Alex at biglang Sinapok sa Mukha. Muntik na akong mapasigaw at pumunta doon, ngunit kinailangan kong pigilan ang sarili ko.
"T*NG*N* KA AH!"
Napaubo naman ng dugo si Alex, pero nakangisi parin ito.
"Wag nyong sasaktan ang kaibigan ko! Hindi pa oras! Kaya wala kayong dapat saktan!" Sigaw ni Drake.
Lumapit sa kanya ang isa pang lalake at sinampal ito ng pagkalakas lakas.
Nanlaki naman ang aking mata dito, nag sugat ang kanyang labi dahil dito.
"Eh pano kung gusto naming saktan kayo? Anong magagawa mo ha, Litel Boi." Nakangising sabi nung Lalake.

"Tama na nga! IMANO MANO NA LANG NATIN TO! WALANG ARMAS!" Sigaw ni Jacob.
"Oo nga!"sigaw ni Troy at Luis.
"Wag kayong sumabat naiintindihan nyo? Baka gusto nyong hindi na makita ang pinakamamahal nyong babae? Hinahanap na sya ngayon sa loob ng iba naming kasamahan.." nakangising sabi nung isa pang lalake.
Napatingin naman si Alex at Drake, sa apat na nag uusap.
"WAG NYONG IDADAMAY SI RIA!!!!" Sabay sabay na sigaw ng Lima.
"Eh paano kung idamay namin sya, oh, tingnan mo nga naman, sampung minuto na lang.."
Nakangising sabi nito.
Napatayo naman ang ang Lima, at napasugod sa kanya, ngunit, napabalik ulit sila sa pagkakaupo ng mahila sila ng tali.
"WAG SI RIA! WAG SYA!!" Sabi ulit nila, napaluha naman ako sa sinabi nila, alam kong nahihirapan sila, ngunit kailangan nilang malaman na kaya ko ang sarili ko..
"Ready na ba?" Tanong ni Jax.
"Yes Prince." Sabay sabay naming sagot.
Sabay sabay kaming lumabas galing sa dilim.. napatingin naman saming ang lahat..
"Oh, andito na pala sila.. bago nyo sagipin ang Dalawang gang na ito. Maaari bang magpakilala kayo? Lalo na yung Chix dyan oh, nagpapa akit ka ba?" Nakangising sabi ng lalake..
Wala kaming magagawa sa gusto nito, dahil kailangan namn silang iligtas.. unang unang nagpakilala si Lucas
"This gang Calls me, Monsieur"
Si Alexi
"Lady"
Si Jax
"Prince"
Me, nag *Ehem* muna ako para medyo magbago ang boses ko.
"Princess"
"Hindi pwede ang ganyan mga Pre, gusto naming malaman ang pangalan nyo at itsura nyo..." nakangising sabi ulit nito..
Walang pag aalinlangan na nanguna ulit si Lucas..
"Gladiators, Shadows, wag kayong magugulat at lalayo samin, parang awa nyo na..." tinanggal nya ang Mask nya.
"Ako si Lucas."
Nanlaki naman ang mata ng mga Gangster.
"Ako to si Alexi.." nagtanggal ng mask si Alexi..
Namangha naman ang ibang lalake, at sa tingin ko'y naastigan ito, kay Alexi.
Si Jax naman ang sumunod.
"Jax."
Napangisi naman ang lalake.
"Well., the famous Jax Hernandez.."
"Tss.." supladong sabi nito..
Onti onting napatingin sakin ang limang lalakeng kakilala namin..
"It can't be.."
"No way"
"Hindi pwede"
"Imposible"
"Impossible"
Kinindatan ko silang Lima kahit na halatang patulo ang luha ko rito..
"Oh magpakilala ka na Ms. Sexy.."
Nakangising sabi nung lalake.
"Ria."
Sabay tanggal ng Mask.
"Aba, maganda nga.. Ikaw ba ang Sinasabing Ria ng mga ito, at Ria na Reyna ng Eskwelahan?"
"Tss.. Of course, Isn't it obvious? Kahit iparesearch nyo pa lahat ng estudyante doon, I am the only one who has a name 'Ria' in our academy." Maarte kong sabi rito
Lumapit naman sakin ang Lalake at hahawakan na sana ang aking panga ngunit..
"Wag mo syang hahawakan.."
sabi ni Jax..
"Wow, Jax is she your girlfriend?"
"No!" Sabay sabay na sigaw ng lina sa likod nito.
"Pakawalan nyo nga ang limang yan, kanina pa nag iingay eh." Pinakawalan naman ng mga kasamahan nya yung lima, at ka agad silang lumapit samin, I mean Sakin😑
"Is this really true?"
"Are you fine?"
"Okay ka lang ba?"
Napa'Tss'  na lang ako.
"Hep! Tigil! Hindi pa tayo tapos.. andito ako para sabihin sa inyong kami ang aagaw sa pwesto ninyo."
"K." Sabi ko
"Itali nyo silang lahat, At itira nyo itong babaeng to kasama ko.." nakangising sabi nito."pakitala rin pala ang kamay at paa nito.." nakangisi ulit na sabi nya..
Isa isang nagsilapitan ang mga kasamahan nya at itinali ulit ang lima pati sila Jax sa may mga Kahoy na nakatayo sa likod. Ako naman ay itinali lang ang paa at kamay.. hindi ko ipinahahalata na ako'y natatakot, Kasi, Of course no, Baka mas lalo lang nila akong saktan pag ganon.
Unti unting lumapit sakin ang lalaki at hinawakan ako sa Panga..
"Ang tigas naman ng panga mo, kung makapagsalita ka.. hintayin mo lang na matikman ka namin, at baka wala ka nang masabat pa.." nagulat ako sinabi nya ngunit hindi ako nagpahalata...
"Tumayo ka." Utos nya
Tumayo ako..
At..
"ARGHHHHHH!!'" NAPASIGAW SA SAKIT NG MAG KAKATUHOD NYA SAKIN!
"PUTEK KA! HINDI PORKET WALA AKONG KALABAN LABAN DITO EH AAPIHIN MO AKO!" Sigaw ko sa kanya, ngunit kakaibang Sagota ng nakuha ko rito, ISANG MALAKAS AS IN SUPER LAKAS NA SAMPAL! Napaatras ako..
"WAG MO SYANG SAKTAN!" Sigaw ni Jax..
"Tsk. Tsk. Wala akong pake! Tumahimik ka dyan!"
Sigaw nung lalake.
Nakita ko namang naglabas ng kutsilyo ang Lalake..
"Miss, ang kinis ng balat mo ah... Mind if I..." hiniwa nya ang Pisngi ko!
Napaluha ako sa sakit at hapdi..
"Awww.. nasasaktan na ang prinsesa.."
Nakita ko namang nakakuha ako ng tsansa upang putulin ang tali gamit ang kutsilyo, itinapat ko ito nung ako'y sasaksakin na nung lalake, agad agad akong gumulong, pababa nya dahil may nakita pa akong kutsilyo at pinutol ang talo na nakatali sa mga paa ko.
Agad agad akong tumayo, at hinarap ang lalake, batid kong pati sa likod ko ay pinalibutan na nila ako. At wala akong pake. Lalaban ako.
"B-Bella.."
Di ko pinansin ang pagtawag nya sakin at mas nagseryoso pa.
"Malakas ka ah.. tingnan natin.."
Isa isa silang sumugod sakin, at natuwa naman ako rito dahil namiss ko rin ang ganito.
Isinasangga ko ang braso ko sa aking mukha tuwing hahampasin nila ako ng kahoy man O bat. Nakita ko ang kutsilyong pinamputol ko ng tali ko kaya agad agad ko itong sinipa papunta kila Jax, para matulungan nila ako. At maranasan ulit nila ito😏
Pinagsisipa ko naman ang mga mukha nila at pinagsasapak ito. Tumalon ako ng sobrang taas at sinipa ang mga ulo nitong mga to. Binuhat ko rin ang isang lalake at binato ito sa mga kasamahan nyang pasugod sakin. Nag piggy back ride naman ako sa isa at pina backflip ito at binali ang braso.
Tinuhod ko naman ang isa at sinapok sa mukha. Nahilo naman ito at nawalan ng malay.
Ang isa naman sa kanila ay sinubukan tumakas ngunit, kinuha ko ang Bow and arrow ko, at tinantsa ang distansya at lokasypn nito, at ng makuha ko na ay tinamaan ko ito sa binti.
Ang isa namang sumugod sa akin ay may hawak na kutsilyo, ay sumugod sa akin, kinuha ko ang espada ko at ito ang pinangsangga sa kanya. Nag espadahan kami, hanggang sa nahiwa nya medyo malalim ang braso ko, at bilang kapalit hiniwa ko ang kamay nya, upang mabitiwan nya ang kutsilyo, tinuhod ko sya at sinuntok.
Ubos na ang mga Saws. At WALA MAN LANG TUMULONG SAKIN KAHIT NAISIPA KO NA YUNG KUTSILYO, Nagtataka naman akong lumingon sa kanila😑naka upo pa rin silang lahat. Kahit si Jax eh wala ng tali sa paa at kamay, bigla nyang hinugot ang baril at pinaputok ito sa likuran ko, sisigawan ko na sana sya kaso mas nauna syang sumigaw
"Sorry! May tao pa eh, ay Hayop pala, Hehehehe" patawa nya sakin, napatawa na lang din ako.
Lumingon ako sa likod ko at nakita ko ang maraming lalakeng nakabulagta sa damo mga labing limang lalake ang nakabulagta dito. Tss..
"Oh, bat hindi mo pa pinakawalan yung iba?"
"Ehh, gusto ko ako muna eh, mamaya na yung iba." Supladong sabi nya

The Gangster CoupleWhere stories live. Discover now