This story has advanced chapters in Patreon.
Be a patron for only 50 pesos per month.
Visit my patreon account.
www.patreon.com/vampiremims
Leave a comment if you like the story!
☀️☀️☀️
Hindi pa man ako nakakalabas ng airport ay ramdam ko na kaagad ang mainit na klima sa Pilipinas. After staying for 5 years in the States, I am now finally home. Nasanay akong namumuhay sa ibang bansa dahil na rin gusto kong mas mapalawak ko pa ang kaalaman ko, isa pa ay para na rin hindi ko paulit-ulit na naaalala ang nakaraan ko.
Habang bitbit ko sa kamay ko ang bag ko ay tulak ko naman ang trolley na naglalaman ng mga bagahe ko. Inuwi ko na lahat ng gamit ko dahil base na rin sa napag-usapan namin ng Daddy ko, hindi na ako babalik sa America para manirahan ulit doon. I am going to stay in the Philippines for good to help them in their business.
Dapat ay noong isang buwan pa ako makakauwi pero dahil kailangan ko pang ayusin ang lahat ng kailangan kong asikasuhin doon. They didn't want me to leave, actually. Pero hindi na ako nagpaawat dahil alam kong kailangan ako ng Daddy at iyon naman talaga ang naging usapan namin noon.
Babalik ako.
As expected, maraming mga sumasalubong na mga kapamilya ng mga kasabay kong umuwi ng Pilipinas. Some of them were holding placards of their loved ones so they could be easily seen.
I wasn't expecting any of that since I didn't tell my parents that I was coming home today. Inalalayan na lang ako ng isang staff na naroon nang makakuha na ako ng taxi upang umuwi sa amin.
Inalis ko ang suot kong sunglasses at isinabit iyon sa may neckline ng suot kong bestida. I was wearing a black dress partnered with a black heels as well. Ang beach wave kong buhok ay nakalugay lang.
After putting all my belongings in the trunk, I told the driver where we will go. Isinandal ko na lang din ang pagal na katawan sa may upuan habang pinagmamasdan ang mga gusaling nadaraanan namin. Malaki rin ang pinagbago ng Pilipinas simula ng umalis ako...
Tahimik lang akong nakaupo sa likod at kahit na magiliw naman ang driver ng nasakyan kong taxi, marahil nang mapansin nito na wala akong gana na makipag-usap ay hindi na rin ito nagsalita pa.
Kung ako lang naman ang papapiliin, hindi ko gugustuhin pang bumalik dito. Ang mga magulang ko ang nagpupunta sa States para makasama ako tuwing Christmas at New Year. Nag-iisang anak ko kaya hindi ko rin sila masisi kung bakit ba parang taon-taon na lang din nila akong sinasabihan na umuwi na ngunit matigas ang pagtanggi ko dahil hindi ko alam kung kaya ko na ba talagang umuwi rito.
Maraming pwedeng mangyari na iniiwasan ko.
Hindi nagtagal ay ipinarada na ng driver ang taxi nito sa labas ng malaking gate sa isang subdivision. Pareho pa rin sa alaala ko ang lugar na iyon. Marahil ang nagbago lang ay ang bagong pintura noon ngunit ang pakiramdam ay pareho lang.
Ang driver na rin ang naglabas ng mga gamit ko, nagdoorbell na lang ako upang mapuntahan ako ng kasambahay namin at hindi nga nagtagal ay bumukas ang gate.
"Ma'am Ashanti!" gulat na bati sa akin ng kasambahay namin. Napangiti naman ako ng tipid sa kanya. "Ngayon po pala ang uwi niyo! Sana ay nagsabi kayo para naipasundo kayo sa airport," sabi pa nito habang iniipon ang gamit ko sa gilid.
BINABASA MO ANG
Chasing After You
RomanceAfter staying in the States for so long, Ashanti finally decided to come back. She never thought that coming back was also making the doors from her past open. Ano nga ba ang gagawin niya kung magkrus muli ang landas niya at ng taong gusto na lang n...