16

10K 357 10
                                    

This story has advanced chapters in Patreon, VIP Group and Ko-fi.

Be a patron and a supporter.

Visit my Patreon and Ko-Fi account,

You can also join my VIP Group on Facebook, visit my wall for more details.

Leave a comment if you like the story. 🙂

☀️☀️☀️


"It looks like we'll stay here for another day or two..."

I looked at Cloud who's looking outside the window. Malakas pa rin ang ulan at ang hangin sa labas. Kaninang binuksan ko ang TV para manuod ng balita, ang sabi ay hindi pa tuluyang umaalis ng PAR ang bagyo kaya naman suspendido ang mga biyahe ng eroplano at maging ang mga ferry.

Kahit pa gusto ko ng umuwi, hindi ko naman itataya ang buhay ko–ang buhay naming dalawa ni Cloud sa peligro.

"Benjamin called and the bridge is still unpassable. It will take days or probably weeks to get it fixed. No one will also take the risk to fix it now since it's still raining hard. Walang makakasundo sa atin dito para bumalik doon." Nilingon niya ako na tila hinihintay niya ang sasabihin ko.

I nodded my head a little. "It's okay. Hindi na rin naman dapat sila bumiyahe at delikado dahil malakas ang ulan, malakas din siguro ang agos ng ilog doon..." sagot ko naman dito. Mabuti na lang din at nag-ooffer ang hotel na tinutuluyan namin ng pagkain kaya naman nag-oorder na lang kaming dalawa ni Cloud.

Halos hindi rin ako nakatulog kagabi dahil sa takot na biglang mawalan ulit ng kuryente. Cloud slept on the couch. Hindi ko siya magawang ayain na matulog sa kama kahit na nagprisinta na akong sa couch ako matutulog.

"Are you hungry?" he asked as he walked towards me. Naupo rin ito sa may kama habang nakatingin sa akin. I looked at him and he's not wearing his eyeglasses. Simpleng t-shirt lang din ang suot ni Cloud pero hindi ko maitatanggi na kahit ganoon, malakas ang dating nito.

"Uhm... a little," sagot ko bago bumaling ng tingin at kinuha na lang ang cellphone ko. Mahina ang signal dahil na rin sa bagyo kaya hindi rin ako makatawag sa mga magulang ko. I sent them a message that I am fine, though... na okay kaming dalawa ni Cloud kaya wag na silang mag-alala pa.

"I'll order our food," sabi nito sa akin bago tumayo. Hinawakan ko naman ang gilid ng t-shirt nito para pigilan ito.

"Ako na... just stay here, I will order our food..." sabi ko sa kanya bago nagmamadaling tumayo at lumakad papunta sa nakasabit na telepono sa pader at tumawag sa receptionist para alamin kung ano ang nasa menu nila ngayon.

Maayos naman ang naging pagkain namin. I actually missed eating beef tapa in the morning.

Cloud had tocino with rice and egg, of course.

"Is it okay that you're stuck here? I mean... you're a very busy person and–"

"It's okay," he cut me off and looked at me. "They can all work without me, and Dad's there, too. Hindi pa naman ako ang presidente ng mga kumpanya," sagot nito sa akin bago nagpatuloy sa pagkain.

Tahimik na siyang kumain pagtapos ng usapin nila. Hindi niya mapigilang makaramdam ng pagka-ilang nang mapansin na nakatingin sa kanya si Cloud habang kumakain siya.

"Why are you staring at me?" I asked him before I looked down on my plate again. Napansin ko na tapos nang kumain ang lalaki at halos napangalahati na rin nito ang mango juice na naroon.

"You're still the same, slow eater," he chuckled a little before raising his hand and moved it closer to my face. Napakunot ang noo ko at bago pa man ako makaiwas ay may kinuha mula sa gilid ng labi ko si Cloud.

Chasing After YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon