This story has advanced chapters in Patreon, VIP Group and Ko-fi.
Be a patron and a supporter.
Visit my Patreon and Ko-Fi account,
You can also join my VIP Group on Facebook, visit my wall for more details.
Leave a comment if you like the story. 🙂
☀️☀️☀️
"Good morning," Cloud greeted me when I arrived at my office. Nagtataka man dahil maaga ito ay binati ko na lang din ito bago nagtuloy para ilapag ang bag ko sa may gilid ng lamesa ko.
Since we finished all the meetings last week, I have to check the meeting agreements and also check on the timelines with the other department so we can reach the target sales. Kung may mga kailangan na i-adjust o kung ano pa man. Marami pa ang kailangan na gawin para makabawi ng husto ang company pero nakikita ko naman ang progress sa numbers.
We also started exporting our products abroad, thanks to Cloud who really pushed through and led the plans. Matagal ng plano iyon nila Daddy at ng mga kasama nito sa board, hindi lang nito naaasikaso at walang nangunguna para gawin iyon.
"Coffee?" he asked me again while looking at me.
"Why are you so cheery?" hindi ko na rin napigilan na tanong ko sa kanya. Hindi ko siya masyadong nakita sa opisina kahapon, hindi ko rin naman magawang magtanong kay Daddy dahil ayokong mag-isip ito ng kakaiba lalo pa at hindi naman din nito itinatago ang paghanga kay Cloud at mga pasaring nito na kung pipili ako ng mapapangasawa, gusto niya ay katulad ni Cloud... meaning si Cloud ang gusto nito.
As if that was so easy to do.
"Nothing," he shrugged and looked at me. "I'll make you coffee."
"No need for that, Cloud," pigil ko sa kanya ngunit hindi naman ito nagpapigil pa. Instead, he walked out from my office and probably went to the pantry to make coffee. Napailing na lang ako dahil sa katigasan ng ulo ni Cloud.
Makalipas ang ilang minuto ay bumalik na rin ito na may dalang dalawang tasa ng kape. Inilapag nito sa lamesa ko ang isa habang hawak ang isa pang tasa at sumisimsim doon.
"Don't you have your own office?" I asked him after thanking him for the coffee.
"I do, I just like it better here," he casually replied and sipped from his coffee again.
"Suit yourself," pinilit ko na lang na ignorahin siya habang tinitignan ang schedule ko para ngayong araw. Wala naman akong meeting na naka schedule kaya mas makakapag focus ako sa pagtingin ng mga paper works ngayon.
"Have you eaten?" tanong ni Cloud sa akin maya-maya. Sumimsim lang ako sa kape bago tumingin sa kanya.
"Not yet."
"Why?" he asked me. "What do you want for breakfast?" He fished his phone from his pocket and called someone.
"What are you doing?" nag-angat ako ng tingin sa kanya. Nilingon niya naman ako.
"Hold on," sabi nito sa kausap nito sa telepono bago inilayo iyon ng bahagya mula sa tainga niya. "I'm ordering breakfast. What do you want?" he asked me again.
"What? Wala naman akong sinabing umorder ka," sagot ko sa kanya.
"Yeah, so, what do you want to eat?" sabi nito na hindi man lang sinagot ang sinabi ko sa kanya. I rolled my eyes a little.
"Bahala ka. Whatever on their menu is okay with me," sagot ko sa kanya dahil alam ko naman na hindi ako mananalo sa kanya.
"Chef, just make us breakfast and lunch. I'll have it picked up there," sabi nito sa kausap bago ibinaba ang tawag at tumingin sa akin. He looked at his wristwatch before looking at me again.
BINABASA MO ANG
Chasing After You
RomansaAfter staying in the States for so long, Ashanti finally decided to come back. She never thought that coming back was also making the doors from her past open. Ano nga ba ang gagawin niya kung magkrus muli ang landas niya at ng taong gusto na lang n...