35

10.2K 344 19
                                    

This story is already completed in Patreon, and VIP Group.

Visit my Patreon at patreon.com/vampiremims

You can also join my VIP Group on Facebook, visit my wall for more details.

Leave a comment if you like the story. 🙂

☀️☀️☀️


I was smiling while looking at my finger. Nakasuot na roon ang singsing na ibinigay sa akin ni Cloud matapos kaming maligo at magbihis na dalawa. Sinabi niya rin sa akin na bumili na siya ng singsing noong umalis sila ng Daddy niya dahil nagsabi na rin siya rito na gusto ako nitong pakasalan.

I haven't met Mr. PJ Monteverde but Cloud said he's not against us. Gaya nga ng lagi naman ding sinasabi ni Cloud sa akin, mabait ang pamilya nito kahit na ang mommy pa lang nito ang nakikilala ko talaga.

"Baka naman matunaw na ang mga bato sa singsing na iyan, hija," pagbibiro ni Mommy nang lumapit ito sa akin at hinawakan ang magkabilang balikat ko.

I smiled at her and held her hand. "I'm just so happy, Mommy..." sabi ko naman dito. Nalaman ko na lang din na nakapagpaalam na pala si Cloud sa mga magulang ko ilang linggo na ang nakakalipas. He really planned and prepared for this.

Ang tanging hindi lang umakma sa plano nito ay ang mismong proposal nito dahil hindi rin nito inakala na sa ganoong tagpo ito magpopropose sa akin.

None of them knew how the proposal happened... hindi namin masabing dalawa ni Cloud kaya sinasabi ko na lang sa kanila na nangyari iyon pagbalik ni Cloud.

Ganoon kasimple. Hindi naman na rin nila kinuwestiyon pa ang nangyari at binati na lang din kami sa naganap na proposal.

I actually liked the thought of Cloud proposing privately. I know he's not very comfortable with many people around. Wala lang itong choice kapag may business meetings or events pero maliban doon, ayaw nito sa maraming tao.

"You know that we're happy for you, too, Ashanti, right?" naupo si mommy sa tabi ko at hinawakan ang mga kamay ko. "We are happy because we know that Cloud will take care of you. We know that Cloud will make you happy..." ngumiti ito sa kanya at pinisil ang mga kamay niya. "And we want you to be happy."

I smiled and hugged her tight. "I love you, mommy. Kayo ni Daddy..." sabi ko habang yakap pa rin siya ng mahigpit. Alam ko na hindi ko pa rin nasasabi ang relasyon namin noon ni Cloud sa mga ito at plano kong sabihin iyon kapag namanhikan sina Cloud.

Naisip ko lang din na marahil, maganda rin na malaman ng lahat ang tungkol sa relasyon namin noon. Hindi alam ng mga magulang naming dalawa ang tungkol sa amin noon, maybe they would also understand why I said yes to Cloud now.

"We love you, too, hija. We love you, too..." She patted my back and hugged me tight.

Pumunta naman kinagabihan sina Anj at Ryn sa bahay namin nang sabihan ko sila ng tungkol sa nangyari. Nagplano rin ang mga ito ng sleep over sa bahay namin na siyang pinayagan naman ng mga magulang ko.

"Oh my gosh, ang yaman talaga niyan ni Cloud, no? Look at all those stones!" sabi ni Ryn habang nakatingin sa singsing ko. She looked at me and smiled. "So, he just popped the question and you said yes?" usisa nito sa akin.

"Oo nga, ano ba nangyari? Wala man lang kayong photos? Videos?" Anj asked, too.

Tumingin ako sa kanila at napangiwi. "We forgot to take photos and videos. It was really unexpected, too, kaya hindi na kami nakakuha ng mga pictures..." sabi ko na lang sa kanila at halata naman din sa mga mukha ng mga kaibigan ko na may pagdududa sila.

Chasing After YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon