36

8.9K 335 26
                                    

This story is already completed in Patreon, and VIP Group.

Visit my Patreon at patreon.com/vampiremims

You can also join my VIP Group on Facebook, visit my wall for more details.

Leave a comment if you like the story. 🙂

☀️☀️☀️


I was holding my Dad's hand while the police and the firefighters were talking about what happened. Naroon si Daddy dahil na rin sa meeting ng mga ito na inabot na rin ng gabi. Mabuti na lang din at wala namang naiwan sa loob ng building kaya walang namatay o nasaktan.

Pero wala ring nailigtas na mga gamit sa nangyari dahil wala ng empleyado sa loob at tanging mga executives na lang ang naroon na nagmi-meeting.

Dad was still quiet about what happened. Bakas sa mukha nito ang gulat sa nangyari, pati na rin ang lungkot dahil ang pinaghirapan nitong negosyo, parang ganon-ganon lamang ay nawala. Nagsimula sa warehouse ang sunog at dahil walang empleyado, kumalat iyon hanggang sa opisina at hindi na rin kaagad naapula.

Marami ang bumbero sa paligid ngunit kahit na ganoon ay wala pa ring naisalba.

"Dad..." I squeezed your hand. "It's okay..." naluluha na sabi ko sa Daddy habang nakatingin dito "You're all safe, that's what matters. No one got hurt, you're all alive..." I tried to smile at him to cheer him up. I have no idea what's running inside his head right now, but I know that he's really having a hard time now.

"It's all gone now, Ashanti..." mahinang sabi nito bago muling tumingin sa building. "All the hard work, it is all gone now..."

Umiling ako sa kanya at pinalis ang luha na kumawala sa mga mata ko. I really don't like seeing my parents hurt. Palagi kong sinasabi sa sarili ko na kahit ako na lang ang umiyak, wag lang ang mga magulang ko dahil nasasaktan akong makitang nasasaktan ang mga ito.

"No, it's not. We can always get back up again," I cheered him up. "Huwag mong isipin na wala na kasi nandito kami. We will get back up again," I smiled at him and wiped his cheek and hugged him tight.

"I will never leave your side, Daddy. Hindi kita iiwan, pangako. Babangon tayo mula rito..." I told him while hugging him tight. Naramdaman ko naman ang pag-iyak nito kaya hinayaan ko na lang muna. I know he's really having a hard time now.

Dumating si Mommy kaya naman pinasama ko na rin si Daddy na umuwi at nagpaiwan ako roon upang alamin kung ano ang naging initial investigation sa nangyaring sunog.

Cloud was the one talking to the officers while I was sending my dad home. Nagsabi na lang ako sa mga ito na magpahinga na muna at huwag na rin munang isipin ang nangyari. Of course, that's hard to do, I know...

Pero alam ko rin na makakasama rin sa kanya kung mananatili siya roon, at wala naman ding magbabago. Nangyari na ang nangyari.

Lumapit ako kina Cloud upang malaman ang nangyari. I heard they're already talking about what happened.

"Based on initial investigation, Sir, faulty wiring from the warehouse caused the fire. Iyon ang tinitignan namin na anggulo dahil wala naman ding mga empleyado sa mga oras na nangyari ang sunog," narinig niyang sabi ng isang nakaunipormeng bumbero.

"What do you mean faulty wiring?" hindi ko napigilan na sumabat dito. Cloud looked at me and held my arm.

They all looked at me. "Isa iyon sa tinitignan natin na dahilan ng nangyari at–"

"Did you also consider arson?" Cloud asked them. Napalingon ako rito at seryoso ang mukha nito habang nakatingin sa mga naroon. Kumuyom ang kamay ko dahil sa sinabi nito.

Chasing After YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon