03

14.9K 461 24
                                    

This story has advanced chapters in Patreon.

Be a patron for only 50 pesos per month.

Visit my patreon account.

www.patreon.com/vampiremims

Leave a comment if you like the story!

☀️☀️☀️


I covered my face when I heard the annoying sound of my alarm clock. Hindi ko pa nais na bumangon kaya naman mas ipinikit ko ang mga mata ko at inignora ang malakas na tunog ng orasan ko. Kinuha ko pa ang unan para lang takpan ang magkabilang tainga ko para makabalik sa pagtulog ko.

Nang tila hindi pa iyon titigil ay nawalan na rin ako ng pagpipilian kundi ang bumangon at titigan ng masama ang orasan na iyon. It was a gift from my mom. Sadyang maalaga lang talaga ako sa gamit kaya hanggang ngayon ay gumagana pa iyon at hindi nasisira pero parang gusto ko itong basagin ngayon.

I stared at it and stopped myself from throwing it away. Naiinis na pinatay ko na iyon kaya naman nawala na ang nakakarinding tunog mula roon. Kung ibang araw siguro ay mabilis akong bumangon pero iba ngayon. Wala pa akong gana na bumangon.

Masakit ang ulo ko dahil na rin sa alak na nainom ko kagabi, at hindi rin ako halos nakatulog dahil sa kakaisip sa lalaking nakasuot ng maskara kagabi.

He kissed me!

He freaking kissed me and I'm so stupid for letting that to happen! Hindi ko nga kilala kung sino iyon pero hinayaan kong halikan ako. I tried asking Ryn about it but she told me she didn't know who that was. Malaking palaisipan sa akin kung sino ba iyon.

Pamilyar ito pero hindi ko matukoy kung saan ko ba nakita ang lalaki.

It was as if I knew him but at the same time, I didn't.

Well, I am just hoping our paths will never cross again, though even if it did, I don't know who he was. Hindi ko rin naman siya makikilala.

I reached my phone on the side and checked if Ryn had messaged me already. Hindi naman marami ang may alam ng personal number ko dahil ayoko sa lahat ay maraming nagmemessage sa akin na hindi ko kilala. Lagi kong binibigay na number sa iba ay ang business number ko.

Napailing na lang ako nang wala akong makitang message galing sa kaibigan ko kaya naman kahit na mas gusto ko pang humiga ay inabot ko na lang ang panali ng buhok ko at itinali na lang iyon basta. Tumayo na rin ako at inayos ang kama ko at ang bedsheet bago tinungo ang banyo para na rin makapaghilamos. I have decided to skip my stretching and jogging today since I'm just planning to stay at home and rest.

Iniisip kong kakain lang muna ako ng almusal at aakyat na lang muli sa kwarto ko para magpahinga ngayong araw. Sinabihan ko naman na rin si Anj at Ryn na wala akong planong umalis ngayon kaya wag na lang nila akong puntahan at ayain.

Bumaba na ako at nagpunta sa may dining room nang marinig ko ang boses ng daddy ko at halatang may kausap ito. Kumunot ang noo ko kaya nagtuloy na ako sa loob. Nakatalikod ang lalaki sa akin kaya hindi ko alam kung sino ba iyon. He's probably one of my dad's staff. Marahil ay may kailangan ito ngayon kaya nagpunta roon.

Lumapit na ako kina mommy at daddy upang humalik sa pisngi ng mga ito at batiin ang mga ito. Mula naman ng dumating ako, I made sure to eat with them.

"Hindi na kita pinagising agad dahil sabi ng kasambahay ay madaling-araw ka na nakauwi," sabi sa akin ni mommy. I smiled a little. Hindi naman na sila sobrang naghihigpit sa akin kaya alam kong naiintindihan nito iyon. "It's okay, mom. Hinatid naman ako ni Ryn kagabi," sagot ko bago nilingon ang lalaking kasama namin sa hapag.

Chasing After YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon