This story has advanced chapters in Patreon, VIP Group and Ko-fi.
Be a patron and a supporter.
Visit my Patreon and Ko-Fi account,
You can also join my VIP Group on Facebook, visit my wall for more details.
Leave a comment if you like the story. 🙂
☀️☀️☀️
Cloud Monteverde became more visible in my life after that trip. Sa mga nakalipas na araw, palagi itong nagpupunta sa opisina para sa mga meetings nito, madalas din na sabay kaming kumakain ng tanghalian dahil na rin tuwing aayain ako nito ay laging kaharap si Daddy.
I tried to say no to him but my dad told me to build a relationship with Cloud since his company is helping ours. Mukha ring okay si Daddy sa lalaki na palagi pa nitong ibinibida sa amin ni Mommy sa lamesa tuwing hapunan.
He also has a space in the office already. He chose the office next to mine kaya mas naging madalas sa aming dalawa na magkita. Kung minsan ay nagdadala pa ito ng almusal kapag may maagang meeting kami.
Of course he became the talk of the town in the office. Maraming babaeng empleyado na talaga namang nagsasabi na crush ng mga ito si Cloud at mga nag-aagawan pa sa trabaho kapag involved si Cloud. Ang sekretarya ng Daddy ang nagsasabi sa akin dahil hindi naman ako nakakasama sa mga ito sa pantry.
The male officers were also impressed by Cloud. Kadalasan na pinupuri rin ng mga ito ang lalaki kapag may meetings o proposals na ginagawa ang lalaki. Hindi ko naman din masisisi ang mga ito dahil talaga namang napaka husay ni Cloud. Talagang sinisiguro nito na maayos ang lahat at tinitignan ang mga possible challenges na haharapin kapag may project na gagawin.
Some of them actually said it felt like they're having a thesis when Cloud joined the meeting. My dad laughed about it when he heard it. Sinasabi nito sa mga empleyado na mabuting tularan si Cloud kung gustong maging successful ang mga ito.
"Where are you going?" Cloud asked me when she saw me collecting my things. Tinignan ko ang relo ko at halos alas tres na ng hapon. May meeting ako sa labas ng alas tres y media kaya naman nagmamadali na akong umalis.
"I have a meeting, with Mr. Dellosa, remember?" sagot ko sa kanya bago kinuha ang blazer at itinupi iyon at ipinatong sa braso ko. I looked at him again.
"How do I look?" I asked him. I was wearing a pencil skirt and a white blouse, I also brought my blazer with me.
Cloud cocked his head on the side while staring at me. Hinagod nito ng tingin ang katawan ko bago muling tumingin sa mukha ko.
Para namang gusto kong pagsisihan ang pagtatanong sa kanya.
"You look stunning as always," he commented. "I'll join your meeting," sabi nito na ikinagulat ko. Nagsabi ito na kukunin lang ang gamit nito at babalikan ako nang pigilan ko siya.
"It's fine, Cloud. I can do it. You can just stay here," sabi ko naman sa kanya bago kinuha na ang bag ko at naglakad papalabas ng opisina ko.
"Ashanti," he called my name, I just waved my hand to him and walked straight to the door to go out.
Dumiretso naman na rin ako sa meeting at naging maayos naman ang meeting namin ng magiging bagong investor sa company. It was a good thing that he's a friend of Dad from way back. Isinama rin nito ang anak nito na si Francis dahil ito ang nagmamanage na ng negosyo ng mga ito na retail stores.
Our meeting ended a quarter before 5 pm. Nauna na ring umalis ang mag-ama at nagpaiwan naman ako para ayusin ang notes ko para sa ilang mga napag-usapan namin. It was almost 6:30 when I left the coffee shop.
BINABASA MO ANG
Chasing After You
RomanceAfter staying in the States for so long, Ashanti finally decided to come back. She never thought that coming back was also making the doors from her past open. Ano nga ba ang gagawin niya kung magkrus muli ang landas niya at ng taong gusto na lang n...