01

20.8K 572 31
                                    

This story has advanced chapters in Patreon.

Be a patron for only 50 pesos per month.

Visit my patreon account.

www.patreon.com/vampiremims

Leave a comment if you like the story!

☀️☀️☀️

I woke up earlier than my alarm the next morning. Madilim pa sa labas nang sumilip ako sa bintana. Wala pang alas singko y media nang bumangon ako sa kama ko upang magwork out na muna bago maligo.

Mas gusto kong pinagpapawisan ako sa umaga bago ako naliligo o kumakain dahil na rin mas nagiging klaro ang isip ko tungkol sa mga bagay-bagay.

Also, I am working out to distract myself with things I should not think about. Mga bagay na hindi ko naman na dapat iniisip pa.

Nagpalit lang ako ng damit at nagsuot ng sapatos bago ko itinali ang mahaba kong buhok at lumabas na rin ng kwarto ko. I head straight to the kitchen to drink water and to get my tumbler as well. Plano ko lang naman mag jogging kahit na thirty minutes lang sa loob ng subdivision namin. Iniisip ko na rin naman na mag-enroll na sa malapit na gym para sa regular na pagwork out ko.

“Ashanti? Ang aga mo naman yatang nagising?” binuksan ni Mommy ang ilaw sa may kusina kaya naman bahagya pa akong napapikit nang masilaw ako. Lumingon ako sa kanya at tipid na ngumiti rito. Alam kong nagtataka ito dahil kakauwi ko lang kahapon at dapat na nagpapahinga ako pero hindi iyon ang gusto ko dahil ayokong may kung ano ano akong maisip.

“Naninibago po yata ako sa oras kasi,” palusot ko na lang bago tumalikod. “Do you want coffee, Mommy? Bago ako mag jogging ay timplahan na kita muna ng kape,” sabi ko rito. Naramdaman ko naman ang paghawak ni Mommy sa balikat ko kaya muli ko itong nilingon.

“Are you okay?” tanong niya sa akin. Kumunot ang noo ko bago tumawa ng marahan. “Of course, I am, Mommy. Naninibago lang talaga ako sa oras,” sabi kong muli sa kanya. Inabot ko na lang din ang mug na nalagyan ko na ng powdered coffee, sugar and creamer. “Ikaw na lang maglagay ng mainit na tubig,” ngumiti ako bago humalik sa pisngi nito at nagpaalam na lalabas na.

Hindi ko naman na narinig ang sinabi nito dahil dumiretso na ako sa paglabas sa gate namin at nagsimulang mag jogging. Mabuti na lang at hindi pa naman tirik ang araw kaya hindi mainit pa mainit sa balat ang init nito. Nagsisimula pa lang naman din itong sumikat.

Halos kinse minutos na akong tumatakbo nang huminto na muna ako upang huminga ng malalim. Nasa may pathwalk ako at wala naman ding ibang tao kaya naman nagsimula na lang akong mag stretching. Nag-iinat ako ng braso, balakang at mga binti nang mapansin ko ang isang sasakyan na nasa may kabilang kalsada.

Napakunot ang noo ko dahil alam kong wala namang sasakyan doon kanina. I was all alone there. Wala nga rin kahit ibang nagjojogging o ano. Ako lang talaga mag-isa…

I looked away and shook my head. Pinalis ko na lang ang kung anuman na iniisip ko dahil hindi lang naman kami ang nakatira sa loob ng subdivision na iyon.

Nagsimula na lang akong tumakbong muli hanggang sa makabalik na ako sa bahay namin. Dumiretso akong muli sa kusina at naabutan kong naroon na rin si Daddy at kausap nito si Mommy. Kumuha lang akong muli ng isang baso ng tubig at ininom iyon.

“You should be resting, Ashanti,” sabi ni Daddy sa akin na nginitian ko naman. “I’m okay, dad,” sabi ko na lang dito.

“Go, wash yourself so we can have breakfast,” sabi naman ng Mommy bago inabot sa kasambahay namin ang isang plato na may lamang tocino. I smiled widely. Kung may pagkain man ako siguro na hindi pagsasawaan, tocino na iyon.

Chasing After YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon