Epilogue

17.7K 445 60
                                    

Hi! This is the last chapter that will be posted here in Wattpad. Cloud's POV will be available soon in Patreon and VIP. 

Thank you for supporting Cloud and Ashanti's story. <3


☀️☀️☀️


I was walking back and forth while holding the paper where I wrote my wedding vow. Hindi ko alam kung tama na ba ang mga naisulat ko roon, hindi ko alam kung may kulang pa ba o baka may mali akong masabi. Hindi ko alam kung nandoon na ba lahat ng gusto ko pang sabihin o baka may nakalimutan akong banggitin.

"Ash, will you please relax?" hinawakan ni Ryn ang braso ko at pinanlakihan ako ng mga mata. Inabot niya sa akin ang isang baso ng champagne. "Here, it will help you relax," she said and smiled at me.

Umiling naman ako. Wala naman akong balak na uminom sa mismong araw ng kasal ko. Sinimangutan niya ako at siya na mismo ang uminom ng lama ng baso bago muling lumapit sa lamesang naroon at muling nagsalin.

"Do you have plans on getting drunk today?" tanong ni Anj kay Ryn at ngumisi lang ang babae rito. Dito na sila natulog dalawa sa bahay kagabi dahil magkakasama kaming aayusan ngayong araw. Katatapos lang namin mag-almusal at nagsulat na rin ako kaagad ng wedding vows ko. Iniisip ko pa rin kung bakit ba hindi ko ginawa ito noong nakaraang linggo para may sapat akong oras pero nandito naman na rin ako at wala na rin akong magagawa.

"Ash," Anj held my hand and smiled at me. "Why are you so worried? I am pretty sure whatever you wrote in there, Cloud will appreciate it. You know him, kahit nga I love you lang ang sabihin mo sa kanya, sigurado akong matutuwa na iyon, e," pagpapalakas niya ng loob ko.

Napangiti naman ako at niyakap ito. "Thanks, Anj..." sabi ko sa kanya bago nilingon si Ryn na tila may kausap sa cellphone nito. Napailing na lang ako at hinayaan na lang din ito.

Dumating na rin ang mga mag-aayos sa akin para sa photoshoot ngayong umaga. They were from Ai's, sabi ni Cloud ay family friend ng mga ito ang may-ari nito kaya naman pumayag na lang din ako.

Kinuhanan nila ako, ang wedding gown ko, ang mga gamit na gagamitin ko at ang buong preparation ko para sa kasal namin ni Cloud.

We were actually 2 months advanced from the actual date of our wedding. Naging rush ang lahat dahil na rin sa nangyari. Maging si Cloud ay ginusto rin na mapaaga na ang kasal namin at hindi naman ako tumutol doon.

Hindi naman din kami nahirapan dahil lahat ay willing kaming tulungan para maisagawa ng maayos ang kasal namin. As much as possible, I wanted to share with the expenses but Cloud already said no. Lahat ng gastos sa kasal namin, sagot ng mga Monteverde.

Hindi naman pumayag si Daddy kaya may mga ginastos din ito para sa kasal namin ni Cloud na mga pinadagdag na lamang nito. Masaya rin ako na noong nagkita ang buong pamilya namin, naging maayos naman ang lahat at nagkasundo sila. Sila pa nga ang mas excited na maikasal kami ni Cloud.

"What is Cloud doing?" tanong ko kay Ryn habang inaayusan ako. Tapos na itong ayusan kaya nakaupo na lang ito at naghihintay sa akin. Tumingin naman siya sa akin at nagkibit ng balikat.

"Benj said they're almost done, but I wasn't able to ask what Cloud is doing," sagot nito. Si Benjamin ang tatayong best man ni Cloud at si Ryn naman ang maid of honor ko. Si Anj na rin mismo ang nagsabi na si Ryn na lang ang kunin ko dahil ayaw raw niyang maging maid of honor, hindi ko na lang siya kinulit tungkol doon.

"You're glowing more than the last time I saw you," sabi ng makeup artist sa akin habang inaayusan ako. Napangiti naman ako sa kanya. 2 weeks ago lang noong nagshoot naman kami ng prenup ni Cloud. Minsan pakiramdam ko parang napakabilis din talaga ng mga nangyayari... after that dinner with his family, in just a span of 6 weeks, we're now getting married!

Chasing After YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon