This story has advanced chapters in Patreon, VIP Group and Ko-fi.
Be a patron and a supporter.
Visit my Patreon and Ko-Fi account,
You can also join my VIP Group on Facebook, visit my wall for more details.
Leave a comment if you like the story. 🙂
☀️☀️☀️
"So... hindi mo man lang ba kami babalitaan ng ganap niyo ni Cloud sa business trip niyo?" may panunukso sa tinig ni Ryn habang magkakasama kami nila Anj na nagkakape sa isang coffee shop. I was supposed to go to the office today but Dad told me to just rest or go out with my friends since we just got back from Cloud's province.
I chose the latter option since I don't want to be alone in my room, or in the house. If I stayed at home, I would just keep on thinking about what happened between me and Cloud. Halos hindi na nga ako pinatulog sa kakaisip ng nangyari.
Nangingitim ang ilalim ng mga mata ko nang bumangon ako kanina at kinailangan kong doblehin ang paglalagay ng concealer sa parteng iyon para lang hindi mahalata nila Ryn na wala akong tulog.
"Oo nga. Tawag kami nang tawag sa'yo, hindi ka sumasagot!" si Anj ang nagsalita na busy sa pagtatype nito sa iPad na dala nito. She said she just needed to make some emails so we just let her do her thing.
"We lost our signals. Mabuti na nga lang din at nakauwi naman din kami nang humupa ang bagyo," sabi ko naman dito bago humigop sa mainit na kape.
"Oo nga, we saw that on the news. Mabuti na lang din at si Cloud ang kasama mo, ano?" si Ryn ang nagsalita. Maliit akong tumango dito. Hindi ko rin tiyak kung ipagpapasalamat ko ba iyon pero alam ko naman na sa kabilang banda, masuwerte na rin talaga ako na si Cloud ang kasama ko.
"So..." Anj turned off her iPad and looked at me. "Did rekindling happen? Mayroon bang pagbabalikan na naganap?" tanong nito sa akin nang nakangiti.
"Yes, yes. Mayroon ba?" si Ryn na nagliwanag ang mga mata sa tanong na iyon ni Anj sa akin. Hindi naman nito itinatago na kung papipiliin ito, mas gusto nito na magkabalikan kaming dalawa ni Cloud.
"I mean, you spend days with each other, Ash. I don't think you spent all those days snobbing him," natatawang buska ni Anj sa akin.
I rolled my eyes a little and took a sip on my coffee again. Si Ryn naman ay kumain ng cheesecake na order nito.
"Nothing happened, okay...?" mahinang sabi ko. I looked away after saying those words. Well... something happened, but I don't think I should tell them that. Hindi naman din dapat na ipinagsasabi ang bagay na iyon.
"Nothing as in nothing? Wala?" kumunot ang noo ng kasama ko. "You mean he didn't even kiss you?"
Sinaway ko naman ito sa ingay nito dahil napansin ko ang nasa tabing mesa namin na tumingin sa amin.
"Nako, mahina ang manok mo, Ryn," pang-aasar ni Anj dito. Hindi ko na lang pinansin ang pang-aasaran nilang dalawa. They both witnessed what happened to me and Cloud. Hindi naman din iilang beses nila akong sinabihan na sabihin kay Cloud kung ano ba ang nangyari, to clear my name... but I don't know if that was necessary.
Hinayaan ko na lang sila sa mga pang-aasar nila at inignora na lamang ang mga sinasabi nito. Inaya ko na lang din ang mga ito na mamili sa mall para na rin makapaglakad-lakad ako at malibang.
"Is that Cloud?" tanong ni Anj sa akin. Awtomatiko naman akong napalingon nang banggitin nito ang pangalan ng lalaki. It was really Cloud. He was wearing a plain light blue shirt, black pants, white sneakers and a cap. He's still wearing his eyeglasses, too.
BINABASA MO ANG
Chasing After You
RomanceAfter staying in the States for so long, Ashanti finally decided to come back. She never thought that coming back was also making the doors from her past open. Ano nga ba ang gagawin niya kung magkrus muli ang landas niya at ng taong gusto na lang n...