This story has advanced chapters in Patreon, VIP Group and Ko-fi.
Be a patron and a supporter.
Visit my Patreon and Ko-Fi account,
You can also join my VIP Group on Facebook, visit my wall for more details.
Leave a comment if you like the story. 🙂
☀️☀️☀️
I woke up earlier than my alarm today. Madilim pa sa labas nang bumangon ako para na rin makapag-ayos. Namamahay ako marahil dahil wala ni alinman sa gamit doon ang pamilyar sa akin.
Nakatingin ako sa repleksyon ko sa salamin habang nagsisipilyo. I kept on thinking about what happened to me and Cloud last night. Hindi talaga ito lumabas ng silid na tinutuluyan ko hangga't hindi ako nito nahahalikan.
His kisses were so addictive, I must admit that.
But, I know I should stop him from doing that. Hindi pwedeng halik siya nang halik sa akin. I should think about his... girlfriend. Kung ako ang girlfriend ni Cloud at malalaman ko na may hinahalikan itong iba at pumapayag ang babae, I will be really hurt.
Huminga ako ng malalim bago nagmumog at pinunasan na ang bibig. I looked at myself once more and nodded my head.
"You will try your best to stop him from kissing you. Slap him if you must!" malakas ang loob na sabi ko bago lumabas na ng banyo para magbihis. Wala aakong ideya kung sino ba ang unang kakausapin namin ni Cloud dito pero alam ko naman na kailangan kong mag-ayos para mas lalong makumbinsi ko ang kausap namin.
My mom once told me to use my charm whenever we're talking to a client or a prospect investor. It works like magic, actually. Nadala ko iyon hanggang sa States.
I am talking to them in a professional way, but... I am also trying to charm them to make them say yes.
Kumuha ako ng isang powder yellow long sleeves top at black pants. Tinernuhan ko rin iyon ng black sandals na may dalawang inch na takong. Naka-tuck in ang damit ko at siniguro ko rin na maayos ang pagkakatali ng buhok ko na ipinusod ko. Hinayaan kong may mga buhok na kumawala roon bago ako naglagay ng light na make up lang.
Nang masiyahan na ako sa itsura ko ay bumaba na rin ako para hanapin si Cloud. Hindi ko alam kung saan ba ang kwarto ng lalaki kaya minabuti ko na lang na mauna na sa may sala ng bahay nito upang doon na lang hintayin ang lalaki.
It was 7:30 in the morning. Pagbaba ko pa lang ay naamoy ko na ang mabangong aroma ng kape, sinangag at maging ang tuyo. Naglakad ako papunta sa kusina at naabutan ko roon ang sumalubong sa amin kahapon na tinawag ni Cloud na Nanay Clarita.
"Ihanda mo na agad ang lamesa at baka bumaba na ang bisita ni Cloud. Hindi pa nakahain ang almusal," narinig kong sabi ng matanda sa isang mas batang kasambahay na naroon. Agad naman na tumalima ito at sumunod sa matanda.
Natigilan ito nang makita ako.
"Nanang..." ani ng babae kay Nanay Clarita. Lumingon naman kaagad sa akin ang matanda kaya ngumiti ako ng tipid dito.
"Good morning po..." magalang na bati ko rito bago tuluyan ng pumasok sa may kusina. "I... I'm sorry. I smelled the garlic rice and the coffee... hindi ko sinasadya na pumasok dito..." hinging paumanhin ko sa matanda.
She instantly smiled at me. It was a kind of smile that you will feel the authenticity of. Genuine kumbaga.
"Naku ikaw na bata ka, hindi mo naman kailangan na manghingi ng paumanhin," sabi nito bago lumapit sa akin. "Kami ay patapos naman na sa pagluluto. Maupo ka na muna para makapaghain at makapag-almusal ka na," sabi nito sa akin bago ako iginiya papunta sa may lamesa.
BINABASA MO ANG
Chasing After You
RomanceAfter staying in the States for so long, Ashanti finally decided to come back. She never thought that coming back was also making the doors from her past open. Ano nga ba ang gagawin niya kung magkrus muli ang landas niya at ng taong gusto na lang n...