This story has advanced chapters in Patreon, and VIP Group.
Visit my Patreon at patreon.com/vampiremims
You can also join my VIP Group on Facebook, visit my wall for more details.
Leave a comment if you like the story. 🙂
☀️☀️☀️
"Mommy, alis na po ako," paalam ko kay Mommy nang kunin ko ang bag ko. Kanina pa ako nagpatawag ng cab dahil coding ang sasakyan ko at hindi ko naman din pwedeng hiramin ang sasakyan ni Mommy dahil baka umalis ito. She actually asked me to use it but it's fine to take a cab.
Naisip ko rin na mapapahinga ako sa pagmamaneho.
"Andyan na 'yung cab?" tanong ko sa kasambahay namin nang maglakad ako papunta sa pinto.
"Ay, Ma'am si–"
"Sige, ako na. Thanks!" I smiled at her before I walked towards the gate. Napahinto ako nang makilala ang sasakyan ni Cloud na nakaparada sa labas ng bahay namin. Lumabas din ito mula sa sasakyan at lumapit sa akin na may dalang bulaklak.
"What are you doing here?" I asked him as I received the flowers. Humalik din ito sa noo ko at ngumiti sa akin.
"Fetching you?" he said while looking at me. "Coding ka, diba?" sabi nitong muli sa akin. Mas kumunot ang noo ko dahil hindi ko naman sinabi sa lalaki ang bagay na iyon. "Let's go, baby?" aya niya sa akin at kinuha na rin ang gamit ko at hinawakan ang likod ko para pumasok sa sasakyan nito.
"Are you aware that my house is far from yours?" I asked him when we're both inside his car and he nodded his head.
"So, bakit mo ako sinusundo?" tanong ko ulit sa kanya at nagsimula na siyang magmaneho.
"Because I can?" kumunot ang noo ni Cloud sa akin at lumingon ito. "Are you mad that I picked you up?" tanong niya sa akin na sinimangutan ko naman. Pinisil ko ang ilong niya bago sumandal at pinagmasdan siya habang nagmamaneho.
"Hindi naman sa ayaw ko. Malayo ang bahay ko, it means maaga kang gigising para sunduin ako na dapat nakakapagpahinga ka pa ng mas mahaba at–"
"I want to do it, baby. Ayaw mo ba?" tanong niya ulit sa akin. I looked at him and I stopped myself from chuckling. Alam ko na kung sasabihin ko sa kanya na ayaw ko ay hindi magpupumilit si Cloud sa gusto nito.
Yes, he's kind of stubborn, too... but most of the time, he does what I say. Lalo kung alam niyang ayaw ko talaga.
"Gusto ko naman, pero kasi–"
"Then it is done, baby," putol niyang muli sa sinasabi ko. Napailing na lang ako at inirapan ito. Hinayaan ko na lang siya sa gusto niya at hinayaan ko na lang din siyang magmaneho.
"Painom sa kape mo," sabi ko sa kanya bago kinuha ang tumbler nito at uminom doon. Naramdaman kong binagalan ni Cloud ang takbo ng sasakyan habang umiinom ako.
He's really caring and thoughtful. Kung minsan ay kinukurot ko pa rin ang sarili ko kung nananaginip ba ako na kami na talagang dalawa.
Na kami na ulit dalawa.
"Why are you smiling?" Cloud asked while driving. Lumingon ito sa akin bago kinuha ang tumbler sa akin at uminom din doon.
"Nothing," I shook my head and smiled at him. "Hindi na ba pwedeng ngumiti?" I asked him and he chuckled. Hinawakan nito ang kamay ko at hinalikan iyon habang papalapit na kaming dalawa sa office.
Hinintay ko na rin siya sa elevator nang i-park nito ang sasakyan. Nakahawak siya sa likod ko habang naglalakad kaming dalawa at ramdam na ramdam ko ang tingin ng mga tao sa amin habang naglalakad.
BINABASA MO ANG
Chasing After You
RomanceAfter staying in the States for so long, Ashanti finally decided to come back. She never thought that coming back was also making the doors from her past open. Ano nga ba ang gagawin niya kung magkrus muli ang landas niya at ng taong gusto na lang n...