CHAPTER 8. Call Him by His Name

17 2 0
                                    

Nasa cafeteria kami ngayon kasama si Maddie. I am thinking of ways how to make him fall in love with me.

I stared at him. Nagsearch ako sa Google kagabi. How do I make someone fall for me? First thing to do is to maintain eye contact.

They are talking about Math. Nakikinig naman ako but I didn't bother about it. I am waiting for something to happen.

I noticed his side profile is beautiful. Gwapo siguro siya kahit anong anggulo. He is an ideal man to some— gwapo, matangkad, matalino, mabait... Just not me. Talagang naga-gwapuhan lang ako sa kanya. He is handsome but he's not my type.

Nilingon niya ako. Maybe because of my stare at him. "May problema ba?" tanong niya.

I shook my head. "Wala."

"You've been staring at me for the past 5 minutes. Baka aakalain kong crush mo na 'ko."

"Don't be too full of yourself."

Tumawa lang siya. "Pero malay mo. Magiging crush mo rin ako."

"Ang kapal talaga ng mukha mo."

Binalewala ko na lang siya at uminom ng juice. Libre 'to nila. They always do.

Mayayaman nga naman no? I am basically broke because I have no stints for the time being. My agent didn't call me.

"OH MY GOD! AHAAAAASSSS!" sigaw nung isang babae na nasa harap ng trash can.

We all turned to her. President also stood up and went to her. I tried to calm myself down and not laugh or smile kahit gustong-gusto ko nang ilabas ang tawa ko.

The students flocked to see the 'snake' kaya hindi ko makikita mula dito kung ano na ang nangyari doon.

"It's not a snake, people," deklara ni President. "Just a very realistic fake one."

Everyone sighed in relief. How I wished I had a real one.

President went back to his seat and looked at me. Bumaling naman ako sa kanya saka tinaasan siya ng kilay.

"You have to stop pranking people, Holly," sabi niya na pinalagpas ko lang sa kabilang tenga. I nodded and continued drinking.

"Holly," banta niya. Hindi pa rin siya nakuntento dun?

"Fine," I groaned. 

"I know you'd still do that." Nginuso niya ang lugar ng pinangyarihan ng prank. "You are so easy to read."

I rolled my eyes. "Whatever."

He breathed out a little laugh. "Cute."

Ano daw? Pinaningkitan ko siya ng mata.

Did he call me 'cute'? I'm cute to him? Hindi ako maganda? Cute lang?

"What did you say?" tanong ko sa kanya.

"May sinabi ba ako? Wala naman ah."

"Hindi. May sinabi ka eh."

Tinaas niya ang dalawang kamay niya. "Wala akong sinabi," sabay nguso.

"Liar," ngiwi ko sa kanya.

"Good boys don't lie, Holly," aniya.

Tinaasan ko siya ng kilay. "You just did, President."

The corner of his lips into a smirk. "Feisty."

Ngumiwi ako sa kanya pero tumawa lang siya. Gustong-gusto niya talagang asarin ako sa tawa niya. Sana mabilaukan ka sa sariling mong laway. Leche.

TAMED #1: The Good BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon