CHAPTER 35. Start

9 1 0
                                    

"May nangyari ba?"

Bumungad sa akin ang mukha ni Blaze nang makapasok ako sa klase. Wala ang iba naming kaklase. Napansin niya kaya na mukha akong wala sa mood ngayon?

Ngumiti ako. "Wala. Ayos lang ako. Where are our classmates?"

Mukhang hindi siya naniwala pero hinayaan niya ako. "Nasa Lab. Chemistry ngayon, hindi ba?"

"Oo nga pala. Bakit wala ka pa doon?"

"May naiwan ako."

Inilibot ko ang mga mata ko. Wala pa rin tao. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. Natigilan siya sa ginawa ko. He hugged me back eventually and stroke my hair. Inamoy ko ang pabango niya. It made me emotional but I stopped myself.

"Tara na," kalas ko. "Baka pagalitan tayo."

He nodded. "Tell me when you're ready."

I smiled. Hawak niya pa ang kamay ko hanggang sa marating namin ang lab. Pinagalitan ako ng guro namin kasi late ako. Nag-sorry na lang ako at kumuha ng lab coat sa locker bago lumapit kay Maddie. May nilalaro na naman siyang guinea pig sa gilid.

Tiningnan ko ang activity sheet at ginawa ang mga nakasulat doon. Nakinig din ako sa guro. I did everything just so I could  forget about last night.

"Before  anything else—" Naputol ang sasabihin ni Miss nang may kumatok. Binuksan niya ang pintuan at bumungad ang guard na may hawak na envelope.

"Kay Miss Holly Angelique Mild po," the guard informed. "Galing Harvard University."

Oh my. Bakit ngayon pa dumating? Baka rejection letter yan kaya ang bilis dumating. Akala ko end of March pa.

Binigay sa akin ni Miss ang letter. "Buksan  mo."

Bubuksan ko dito? Seryoso?

I inhaled and opened the letter. Dahan-dahan ko pa itong binuksan. I read its contents. Halos maiyak ako sa nabasa ko.

"I got in..." Hindi makapaniwala. Binasa ko pa ulit but it all says one thing. Nakapasok ako sa dream university ko. "I got in. Oh shit."

"Congratulations, Miss Mild," wika ng guro namin. "Why are you crying?"

Hindi ko rin alam bakit ako naiiyak. Maybe  because I wasn't really expecting this. Baka nga prank lang 'to eh.

Even Maddie's guinea pig looked at me with worry. That was freaking cute but I still feel so emotional.

"Sorry... I was just happy," I excused and wiped my tears away.

Narinig ko ang mga palakpak ng mga kaklase ko kaya lalo lang akong napangiti. All my life I couldn't get what I wanted. My parents love, someone's love... And now, I have this.

Kailangan kong tawagan sina Lola tungkol dito. Maybe I can also bring the good news to my cousin and my Dad. Dad... I don't think it's the time to say this. Siguro sa susunod na lang.

I wanted to surprise my friends about this too. I wanted to tell them I got into Harvard.

Tiningnan ko ang email ko nang mag-lunch time. Harvard wasn't pranking me. Binuksan ko na ang portal ko at nakita ang pangalan ko doon. But I still need to enroll.

"Congratulations," Blaze smiled as he sat beside me.

"Thank you," I smiled back. "I can't believe they accepted me."

"Matataas naman ang mga grades mo ah."

"Minsan may interviews eh. I think they are still going to interview me. Tapos I don't  know any other language other than English and Filipino."

TAMED #1: The Good BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon