CHAPTER 11. It's Just An Attraction

17 1 0
                                    

Napanguso ako habang pinapanood si Blaze na nagrereport sa harap tungkol sa isang Western poet. I don't even know his works nor his name.

Why?

Dahil nakatitig lang ako kay Blaze. I have already cursed myself a hundred times in my head because he looks like a Greek god sa harapan ko at nagpipreach ng kung ano.

Everytime he utters a word I feel like an idiot liking it. Everytime he smiles at our classmates I feel like I am going crazy. Para akong kinukuryente na ewan kapag nakikita kong sumusulyap siya sa akin kahit feeling ko napaka-assuming ko na.

Nababaliw na talaga ako.

This happened to me before and I don't want it to happen to me again. Especially with Blaze. Hindi dapat 'to nangyayari. Hindi ko dapat siya nagugustuhan.

Iniuntog ko ang ulo ko sa desk nang mahina. Ilang beses ko pang ginawa yun para matauhan ako sa kabaliwan ko.

I heard someone cleared his throat kaya napaangat ako ng tingin, hinahanap kung sinuman ang gumawa nun. Ngayon ko lang napansin na nakatingin pala sila lahat sa akin.

What the fuck?

I maintained my confidence in front of their questioning looks. I had to slay. I wouldn't be Holly Mild if I won't. Tinaasan ko sila lahat ng kilay na para bang walang nagyayari sa akin.

"Is there something wrong with your head, Miss Mild?" tanong ni Blaze sa akin habang nakangisi.

"Yes," sagot ko. Nababaliw na ako. "I think I have a headache."

"Because of continously pounding your head on your desk?"

Nakakaasar.

"No..." Because of you, asshole. "Because of what I had just learned."

"You mean this?" turo niya sa nakadisplay ng PowerPoint presentation niya sa malaking TV. "I don't think they give you headaches."

Kumapa ako ng maisasagot. "It isn't about school, President. And you should not ask what it is. It's private."

His smirk grew wider. "Alright."

Nakahinga ako nang malalim ng nagpatuloy siya sa pagrereport. Nakapangulambaba na akong humarap sa whiteboard.

What the hell is going on with me? Wala naman akong interes sa mga lalaking gaya niya, di ba? Wala na dapat. I'm not into some good boys who give some beautiful smiles—

Aahhhh shit.

Baliw na talaga ako.

Nang matapos si Blaze ay nagdismiss na si Miss. Bumalik sa upuan niya si Blaze saka binigyan ako ng nakakakilabot na ngiti.

"What?" mataray kong tanong sa kanya.

"Alam ko na kung sino yung tinititigan mo," pang-aasar niya sabay turo sa sarili niya.

His overflowing confidence just gave me goosebumps. He really knows he is handsome as hell.

"Asa."

Ngumuso siya. "Ang sakit mo namang magsalita."

"Di ka pa sanay?"

"Siyempre, di pa masyado," ngiti niya sabay gulo ng buhok ko. Tinampal ko ang braso niya at umarte naman siyang sobrang nasaktan.

Gago talaga.

Napakagat ako sa labi ko para maiwasan ang ngumiti.

"Nga pala, malilate ako ng isang oras sa group study mamaya," dagdag niya nang makaupo na siya sa upuan niya.

TAMED #1: The Good BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon