CHAPTER 15. As Friends

25 1 1
                                    

30 missed calls. 41 unread text messages. All from the same fucking number.

Hindi ko alam na masipag palang tumawag si President. I read one of the texts. He said he was worried about me. Tinapon ko na lang ang cellphone ko sa couch ko sa kwarto. Babalik naman sila bukas. Di na niya kailangan pang mag-alala.

Naligo na lang ako at natulog. Pagkagising ko, hangover agad ang naabutan ko.

I massaged my brain before going in the bathroom to take a bath again. Pagkatapos, nagbihis lang ako. Pumunta rin ako ng cafeteria para maghanap ng sabaw.

"Ramen, please," I told the cashier. Binigay ko na sa kanya ang bayad at hinintay na lang na bigyan niya ako ng tray na may bowl of ramen.

Nang matanggap ko iyon ay hinigop ko na lang. Nawawala naman ang sakit ng ulo ko.

Tangina. Bakit ba ako lang natatablan ng hangover sa amin?

Mary called and asked if I was okay. Siyempre, oo. Masakit lang ang utak ko at gusto ko lang matulog.

Nang maubos ko ang ramen ay dumiretso na ako sa classroom. Nakita ko na agad si Maddie na mukhang nagbabasa ng romantic novel. I didn't know she was a believer of romance. Judging with hr words kasi parang gusto na lang niyang tumandang dalaga.

Nakita ko rin si Blaze sa upuan niya. He was also reading, probably our Chemistry book. Magaling talaga siya sa Science. Sadyang nakakapikon lang ang pagiging mahangin niya minsan. Gwapo naman siya at may ikakabuga kaya hindi malaking problema sa akin iyon.

I dragged my chair just so he'd turn to me. But to my dismay, hindi niya man lang ako tiningnan. He usually annoys me early in the morning.

I poked his cheeks once but he did not budge so I poked it again repeatedly. Mukha namang nainis ko na siya kasi nakuha ko na ang atensyon niya. He turned to me with a serious face then looked at his book again.

Ay, wow! Well, fine. Gagawin ko na lang ang last resort ko.

"Sorry," I said. Muntik pang matigil sa dulo ng dila ko.

Nilingon niya ako. Oh see? They are so easy. "You're not even sincere."

"Sorry na, okay? Ito naman. Parang hindi magkaibigan ah."

He looked down before staring at me again. "Please, don't use that card against me."

Umirap ako. "Sorry na nga kasi."

He turned away from me once again just so he could read the book. Ano bang meron sa librong 'yan at bakit napaka-importante niyan kaysa sa akin? Ako dapat ang pinapansin niya. Hindi ang libro.

Magsasalita pa sana ako nang umingay ang intercom speakers sa classroom. "Miss Mild and Mister Inclement, kindly proceed to the admins' office."

Nakita kong tumayo si Blaze sa upuan niya bago lumingon sa akin. "Let's go," he said coldly.

Ano na naman bang problema nito? Ay oo nga pala. Big deal pala sa kanya ang hindi ko pagsagot sa mga tawag niya? Bago niya pa ako hilahin ay tumayo na ako at nagsimulang maglakad papunta sa office.

"Where were you yesterday?" tanong ni Blaze nang nasa hallway na kami. Nakapamulsa siya habang naglalakad at diretso ang tingin sa daraanan.

His scent lingered around me. His statuesque and lean figure almost towered over me. His hair got a little messier and his aura feels like Vander's, cold.

"And why would I tell you that?" I asked him in a matter-of-factly tone, just to piss him off even more. It leaves an impression, you know?

Tiningnan niya ako at ngumuso. His aura became normal. "Because I am one of your circle-of-10 friends?"

TAMED #1: The Good BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon