CHAPTER 34. Broken Home

12 1 0
                                    

Hindi ako makapaniwala sa nalaman ko. I stared at my ceiling, hoping to get some sleep but my mind keeps on overthinking.

It's been probably days since that day.

I just decided to not talk about what is going on with our parents. I am not even gonna try to open it up in our conversation.

Blaze probably felt the same. Hindi ko alam kung magaling ba talaga siyang magtago ng problema o sanay na siya kasi araw-araw ngumingiti siya. He has his usual aura.

Naiisip ko tuloy kung mas marami ba siyang itinatagong problema at hindi lang tungkol sa mga pamilya namin.

Nasa garden kami ngayon, sa gazebo. May table at mga upuan sa gitna. I was seated in front of him and watching him eat the mango float I made a while ago.

Lumabas kasi ako para mag-withdraw and I thought of making him his favorite. Ginawa ko iyon kaninang umaga lang.

"Holly, baka matunaw ako, ha?" ngisi niya.

I gave him an exasperated look. "Hindi ka ba talaga magsasawang ipagmalaki ang kagwapuhan mo?"

"Gwapo ako?"

"Please don't change the subject."

"Siyempre. Pinaghirapan ko 'to 'no? Proud akong gwapo ako."

Inabot ko ang buhok niya at inayos iyon. Lumapit naman siya nang kaunti para hindi ako mahirapan. "Oo na. Gwapo ka na."

After fixing his hair, I stared at him again. Bakit ba hindi nakakasawang tingnan ang mukha niya? He always looks so good. I bet other girls would find him handsome.

They do, don't they?

"Ayos ka lang?" tanong niya.

Tumango ako. "Oo."

"Ba't mukha kang naba-bad trip?"

"Hindi ako naba-bad trip."

He placed his fork down and took out his phone. He started to text someone.

"Sino ba 'yang ka-text mo?" tanong ko.

"Secret..."

Pagkatapos niyang mag-text, inabot niya ang buhok ko saka ginulo iyon. Mabilis ko siyang pinigilan kaya tumawa siya. Pinagtitripan na naman ako eh.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Ano ba? Kalahating oras ko pa naman inayos 'to."

"Maganda ka pa rin naman kahit anong ayos mo."

"Kahit magmukha akong si Sadako?"

"Mej," he shrugged.

I glared at him and reached out for the mango float container. "Akin na nga yan. Babawiin ko."

Pinigilan niya ang kamay ko. "Hep! Akin na 'to, 'di ba?"

"Pinagtitripan mo 'ko eh."

"Ang cute mo kasing mapikon."

"Ah... cute?"

Tumayo ako para sabunutan siya. He gripped on my wrists to stop me kaya sinipa ko na lang siya.

"Napipikon ka ba kung tinatawag kang cute?" tawa niya. "Paano na lang kung tawagin kitang 'sweetheart'?"

I cringed at him kaya humalakhak siya nang napakalakas. Dahil sa tawa niya, nabitawan niya ang kamay ko. Nakakatuwa ba 'yun?

I held his face and crashed my lips on his. Natahimik siya agad. Humiwalay din ako pagkatapos. "Yan lang pala magpapatahimik sa 'yo," tawa ko.

"That's unfair," reklamo niya. Hinila niya ako para maupo sa kandungan niya.

TAMED #1: The Good BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon