CHAPTER 9. The Bitch Is Back

18 2 0
                                    

"Call me Blaze."

He sounded like he was begging for me to call him by his first name but his face screamed different emotions. He looked serious.

Nasa first name basis na pala kami? It's a step forward I guess?

Ngumuso na lang ako at tumango. "Alright," I pointed the sundae stand. "Librehan mo naman ako, Blaze."

The moment his name came out of my mouth, his lips curved upwards. He lost the serious expression on his face. He replaced it with his usual happy guy expression.

"Sure. Halika," sabi niya sabay hawak sa kamay ko at hinila papunta doon. Nagpatianod na lang ako sa kanya.

Narinig ko ang ilang bulung-bulungan sa paligid ko. I heard them compliment me, and well, the guy holding my hand. They were also saying how sweet we are.

I couldn't help but look at our hands. His hands are warm and gentle. It feels so safe and soothing yet dangerous and abrasive.

My heart raced as I stared at his hand. I can feel my lungs malfunctioning. This is wrong.  Napakagat ako sa labi ko at tinitigan ang magkahawak naming kamay.

What I am feeling right now is wrong.

I took my hand from him, making him stop and look at me with a creased forehead. I ignored his questioning look at me and just continued to walk towards the stand. I didn't turn back at him because I know he would follow me like a dog.

But then, I was wrong. Nang marating ko ang stand, nakita ko siyang natutulala sa gitna ng mga taong nakatingin sa kanya, specifically, girls who are obviously adoring him. Pakiramdam ko namang uminit ang ulo ko sa lagkit ng mga tingin nila sa kanya kaya tinawag ko na lang siya. 

"Blaze!"

Para namang natauhan siya kaya lumapit na din siya sa akin. The girls, however, looked disappointed then turned to me with a glare.

Ay wow. They shouldn't even be staring at him too much because mahuhulog din naman siya sa akin.

Bumaling ako sa tindera. She looks like she is in her early 20's. Nakabun ang buhok saka may hair net. "Ate, pabili nga."

"Anong gusto mo?" tanong nung tindera. Sinulyapan niya si President–este si Blaze na papalapit sa amin. "Ang gwapo ng jowa mo ha. May tampuhan ba kayo?"

Napatingin ako sa kanya. Napaka-usisera naman nito. "Hindi ko siya jowa."

"Ay ganun. Hindi naman halata ah. Kanina ko pa kasi kayo napapansin na sobrang sweet. Nakakakilig nga eh. Manliligaw mo?"

Umiling ako. "Hindi rin. May jowa na kasi yan."

"Ay sayang naman. Bagay pa naman kayo."

Second. That's the second time na may nakapagsabing bagay kami sa loob ng isang araw.

Ngumiti na lang ako nang tipid at sinabi ko sa kanya ang gusto ko. Ganun din si Blaze na hindi ko namalayang nakarating na pala sa gilid ko. Masyado yata akong spaced out ngayon.

Nung maibigay na ng tindera ang sundae ay kinindatan niya ako at sinulyapan si Blaze. Alam ko na kung ano ang gusto niyang ipahiwatig pero binalewa ko yun.

TAMED #1: The Good BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon