CHAPTER 31. A Husband's Pain

12 1 0
                                    

"Hanapin mo na lang si Maddie tapos mag-sorry ka."

Gabe was trying to stop himself from getting pissed off. Kanina pa kasi siya pinagsasabihan ni Mary. Eh, pano ba kasi, ang insensitive ng gagong 'to. It was all fun and games for him until the first time I saw Maddie's tears form in her eyes. Tumakbo rin siya paalis kaya ngayon hinahanap namin siya.

We were preparing to hike down 20 minutes ago pero dahil sa panggagago ni Gabe, ayun, natagalan kami.

"Oo na," he gave up. "Hahanapin ko na." Umalis na siya para gawin ang gusto ni Mary. "Tangina," reklamo niya pa.

Umupo muna kami sa mga logs para hintayin ang dalawa. Katabi ko si Blaze.

Tiningnan ko siya. He has a smile on his lips. "Why are you smiling like that? Aren't you worried for Maddie? Baka matuklaw siya ng ahas."

"That's the last thing you'd be worried about her," ngiti niya. "I'm more worried of her when we're back at the city."

Ilang minuto lang ang hinintay namin at bumalik na sina Gabe at Maddie. Nagsitayuan na rin kami para magsimulang  bumaba mula sa bukid.

"Paano 'yan? Mababasa ulit tayo," wika ni Lizzie.

"We'll take a different route," sagot ni Vander habang kumagat ng lollipop.

"May iba?"

"Yeah."

Nauna siyang naglakad sa amin kaya sinundan lang namin siya. After probably 1 kilometer of walking, we found a footbridge. Mukhang matibay pa.

"I thought the shallower part is 5 miles away?" nagtatakang tanong ni Blaze. He looked so oblivious.

"Found this while taking a stroll yesterday."

"Oh."

Halos isang oras din ang nilakad namin pababa ng bundok. Sumakay na rin kami agad sa van. Same seating arrangement pa rin.

It's a 2-hour long ride back home kaya halos kaming lahat ay nakatulog dahil sa pagod buong biyahe. Nagigising lang kami kung hihinto ang sasakyan.

I fell asleep on Blaze's shoulder. Hindi ko rin namalayan pero hinayaan niya lang ako. Hawak niya pa ang kamay ko.

I woke up when the van stopped by the gasoline station. Nakita kong lumabas si Mary kaya bumangon ako. Blaze turned to me as I looked around.

"Good morning," ngiti niya. "Masarap ba tulog mo?"

Tumango ako. "Ngayon pa lang ata ako nakatulog nang mahimbing sa biyahe."

"Good to know."

I heard Gabe clearing his throat. "Label muna."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Pakialamero ka." Natawa ako sa posisyon niya. He was seating stiff because Maddie was fast asleep on his shoulder. Tinaasan ko siya ng kilay. "Oh akala ko ba hindi ka mahuhulog?"

"Alangan namang gisingin ko? Ako pa pagbuntungan ng galit ni Mary."

Kinuha ko ang cellphone ko at pinicturan sila dalawa. He gave me a glare after it.

"Delete mo," utos niya.

I stuck out my tongue at him. "No way."

"This is a violation of Data Privacy Act of 2012."

"Bakit? Isi-share ko ba sa social media?"

Binalewala ko siya at tiningnan ang litrato. Ang cute nila dalawa ha. Bagay.

"CR muna ako," paalam ko kay Blaze.

"Samahan na kita?"

"Ayos lang ako. Hintayin mo na lang ako dito."

TAMED #1: The Good BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon