CHAPTER 3

107 5 0
                                    

Chapter 3

MAAGA na naman akong nagising dahil nakalimutan kong iset ang alarm clock ko nang 7am. Madalas kasi ay 5am ako gumigising para maabutan ko si Nicholai papasok ng school. Ngayon, matapos ang araw na yon sa library ay naisipan kong wag na muna siyang guluhin dahil naiinis ako sa sarili ko.

Alam ko namang hindi niya ako gusto. Oo wala nga siyang sinabi na kung ano pero diba? Ako lang talaga ang umaasa na baka macrush back din ako kasi... Sa gandang kong to? Ayaw niya? Tama si Jaena, mahirap talaga pag-umasa ka tapos sa huli, wala pala. Mali ka nang akala.

Ba't ba kase napapahiya ako palagi kapag nasa harap ko siya? Dapat nagpapaganda points ako sa kanya pero kabaliktaran ang nangyayari. Ganito na ba talaga kalala ang epekto niya sa'kin?

Dahil hindi na ako nakatulog, naligo nalang ako at nagbihis nang uniform. Paglabas ko sa kwarto, namataan ko si mommy sa countertop ng kusina.

"Good morning, mommy," I greeted her and kissed her cheek.

"Good Morning. Manang Elsa already prepared a breakfast for you kaya kumain kana," sabi niya at dumeretso na ako sa table para kumain.

"Ikaw po? Sumabay nalang po kayo sa akin," sabi ko sa kanya habang kumukuha ng kanin.

"No, i'm done eating. I have to go now. Goodbye," she said after drinking her coffee.


Palagi naman ganito. Hindi kami sabay kumakain, palagi siyang nauuna umalis, busy siya sa work niya at mas may oras pa siya sa mga business partners and investors  niya kaysa sa akin. Feeling ko nga, mas marami pa ang oras na magkasama kami ni Manang Elsa kumpara sa kanya.

Hays, kung buhay pa ba si daddy hindi kami magiging ganito? Hindi naman kami ganito dati. Nandito lang si mommy sa bahay gumagawa ng designs niya while si daddy nasa law firm niya. Kapag gabi na, maagang umuuwi si daddy para sabay-sabay kaming kumain.

Pero lahat nang yun nangyari na 10 years ago. 11 years old ako nang magkasakit si daddy sa baga at namatay kaya maagang naging byuda si mommy. Simula nun, nagpatayo na si mommy nang clothing line niya at dun na nagsimula ang  paglayo namin sa isa't-isa. Siguro nga, coping mechanism niya ito para hindi na siya masaktan sa pagkawala ni daddy kaya pinililit ko nalang din siyang intindihin.

Nang matapos akong kumain ay nagtoothbush kaagad ako at inayos ang sarili bago lumabas ng bahay para sumakay na nang sasakyan. Pinabaonan pa ako ni Manang Elsa ng cookies na binake daw niya kagabi. Tinuruan ko kase siyang magbake noong nakaraan at nakuha rin naman niya kaagad. Hindi naman nagkakalayo ang edad nila ni mommy kaya siya na ang pangalawang mommy ko.

*****

NANG makapasok na sa school ay nagulat ako nang makita ang isang pamilyar na lalake na nakatalikod at nakasandal sa isang puno malapit sa gate. Nakayuko lang siya at hawak ang cellphone niya. Kahit maraming tao ang dumadaan sa harapan niya ay parang wala siyang pake.

Nang itaas na niya ang tingin niya ay doon ko napatunayan nga siya nga iyon. Ang lalakeng hindi mawala-wala sa isip ko.

Nagpalinga-linga siya sa paligid hanggang sa nakita niya ako. Medyo nagulat pa siya at umayos ng tayo. Dumaan ako sa harap niya dahil maraming mga estudyante ang dumaraan sa kabila kaya wala akong choice. Ngumiti lang ako nang dumaan ako sa harapan niya at nagpatuloy sa paglalakad. Wala din naman ako sa mood para mag 'Good Morning' sa kanya dahil malungkot parin ako sa hindi pagsabay sa akin ni mommy kaninang breakfast.

Dahil maaga pa naman, naisipan kong pumunta na muna sa library para maghanap ng librong pwedeng basahin o di kaya naman gumawa nalang ng designs ng mga damit. Pagdating ko roon agad akong pumunta sa usual seat ko at umupo. Kinuha ko ang sketch pad at mga pens ko sa bag at nagsimula na sa pagdrawing.

Chasing You My LoveWhere stories live. Discover now