CHAPTER 33

79 1 0
                                    

Chapter 33

I really wanted to contact Atty. Chavez immediately but Blaire asked if we could go around before going home. Mamaya nalang siguro, uunahin ko muna ang gusto ng anak ko.

"Where do you want to go, baby?"

"Sa amusement park po, mommy!" Sagot niya.

Tinignan ko si Jaena at tumango naman siya. Nakuha niya agad ang gusto kong sabihin sa kanya. "May alam akong malapit na pasyalan dito. But we need to eat our lunch first," sabi niya.

Pumayag ako kaya kumain muna kami sa isang restaurant bago dumeretso ng amusement park. Pagdating namin doon, tumalon-talon si Blaire dahil sa tuwa.

"Blaire! Katatapos mo lang kumain! Mamaya na tayo sumakay ng rides. Maglakad-lakad na muna tayo," sabi ko.

Sumunod naman ang anak ko sa akin.
Namasyal muna kami bago sumakay sa mga rides na gusto niya. Nagpapalitan kami ni Jaena nang pagbabantay sa kanya.

"Blaire, picture ka doon!" saad ko at itinuro sa kanya ang malaking cartoon character na statue upang doon siya magpa-picture. Ang maganda kay Blaire, hindi ko na siya kailangang pilitin kapag nagsasabi ako na kukunan ko siya ng picture dahil palagi naman siyang handa.

"Pose ka doon!" Sabi ko at humawak naman siya sa bewang niya tsaka ngumuti sa camera. "One...two...three!"

"Maganda po ba, mommy?" Lumapit siya sa akin at tinignan ang picture na kinuha ko.

"Yes baby! You're always pretty!"

Nagtagal pa kami ng ilang oras doon. Kumain kami ng pizza at nanood ng ilang magic shows. My daughter looked so happy.

"Saan mo pa gustong pumunta,baby?

"I want to go to a park, mommy! Let's watch sunset there! It's beautiful!"

Agad kong naisip ang baywalk na pinuntahan namin ni Nicholas noon. The place where he confessed his feelings for me. Matagal na rin akong hindi nakakadayo roon. We used to date there before. We would eat street foods and watched sunset. Those are times that we were together.... and happy. 

"I know a place where we can watch it. You want us to go there? "

My daughter nodded. Sinabi ko kaagad kay Jaena ang location ng lugar at mabuti naman dahil alam niya kung nasaan ito.

Pagdating namin, excited na excited si Blaire na lumibot sa lugar. Doon kasi sa amin sa Batangas, hindi ko siya gaanong pinapalabas dahil natatakot ako na baka kung ano ang mangyari kapag wala ako o sino man sa amin na mas nakakatanda na nagbabantay sa kanya. Namamasyal naman kami, pero hindi sa ganitong klaseng lugar.

Marami na ang nagbago sa baywalk. Mayroon na silang playground para sa mga bata at ang mga nagtitinda ng pagkain ay nilagay sa isang lugar. Napansin ko rin na mas naging malinis na ang paligid. Marami na ring tao ang pumapasyal. This place has improved a lot.

"Mommy! Sakay po ako nang swing!" Sabi niya at itinuro sa akin ang bakanteng swing sa playground. Tumango ako at tumakbo kaagad siya roon.

"Mag-ingat ka! Baka madapa ka," paalala ko sa kanya pero nginitian lang niya ako.

Ako ang nagbantay sa kanya habang si Jaena ay bumili ng pagkain dahil nagugutom na naman si Blaire! Pagkain talaga ang gusto niya! Mamaya hindi na magkakasya ang mga tinahi kong damit sa kanya dahil mabilis siyang lumaki! Nakakagigil na bata!

Pagkatapos sa swing ay sa see-saw naman kami sumakay. Marami pa kaming sinubukan sa playground kaya nakakapagod din! Pero yung anak ko parang wala lang sa kanya! Nahihingal na ako pero siya pinipilit pa ako sa slide!

Chasing You My LoveWhere stories live. Discover now