CHAPTER 2

125 4 0
                                    

Chapter 2

SA LIMANG TAON na pagkakagusto ko kay Nicholai, never kong naisip na i-uncrush siya. Eh pano naman kasi! Super paasa niya! Hindi naman siya nagsasalita kung gusto niyang itigil ko na itong paghahabol ko sa kanya at wala rin naman siyang girlfriend. Tapos ito pa! Binigyan pa ako ng libro! FIRST TIME! Alam kong siya ang nag-iwan nito doon sa room kasi siya lang naman ang nakakita saking nagbabasa nun!


"Oh, tulala ka nanaman diyan, Fishball gusto mo?" si Jaena, kaibigan ko. Nandito kami ngayon sa harap ng tumitinda ng street foods sa labas nang LVSU para mag meryenda. Naisipan ko kasing dalawin ang mga kaibigan ko dito dahil miss na miss ko na sila! Sa aming magkakaibigang babae, ako lang ang naiibang university na pinapasukan.




"Thanks! Pero busog pa ako," pagtanggi ko sa alok niya.




Napasinghap siya. "Siya na naman ba ang iniisip mo, Cassandra? Grabe ang tagal mo nang gusto yun diba?" Tanong niya at tumango naman ako. "Oo pero feeling ko talaga nagugustuhan na niya ako," nakangiting tugon ko at inirapan niya lang ako. BITTER!




"Sinabi mo na sakin 'yan last week,last month, last year. Actually, araw-araw sa chat. Ano? Akala ko ba happy crush lang?" Sabi niya habang kumakain ng Fishball.



"Hindi pa eh. Hayaan mo konting push nalang talaga aamin na yun! Pabayaan mo nalang ako dahil siya naman nagpapasaya sa akin," pagtatanggol ko sa sarili. "Kita mo to?" Sabay angat nang libro. "Bigay niya to! May sticky note pa nga o!" dagdag ko pa at binasa ang sulat.



Umirap siya. "Sure ka ba diyan? Nakita mo ba na siya ang naglagay? Baka ibang admirer yan."



"Syempre hindi! Malamang, nahihiya siyang ibigay sakin ito ng personal kaya dinaan sa room ko. Trust me! Gusto niya rin ako!"

"Ang sa akin lang naman Cassandra, ayokong umasa ka sa wala. Kilala naman natin ang lalake. Ilang taon ka nang hindi pinapansin nun masyadong busy sa pag-aaral. Pero sige, hindi naman kita pipilitin kasi ginusto mo yan. Basta kapag anong mangyari, andito lang kami para sa iyo okay?" nag-aalalang sabi niya sa akin.


Ngumiti ako sa kanya. Mahal talaga ako ng mga kaibigan ko. Kahit malayo ako sa kanila ay hindi parin napuputol ang koneksyon namin sa isa't isa.



Sa huli ay bumili na rin ako ng Fishball dahil bigla akong nagutom. Maya-maya, dumating na rin ang iba pa naming mga kaibigan. Nagplano kaming pumasyal sa mall at mag shopping. Sabi ko sa kanila ako na ang lilibre ng dinner dahil hindi ako nakasama sa shopping noong nakaraan. Ayaw pa sana ni Jaena kaso pinilit ko siya.


"Gusto ko nalang magpalutang-lutang sa dagat dahil sa course ko! Ewan ko ba kung bakit ito ang pinili ko pero di ko na talaga kaya!" Hagulhol ni Illa habang naghahanap kami ng restaurant na pwedeng kainan.



"Sinabi mo na 'yan nung First Year tayo ba't hindi ka nag-shift?" tanong ni Jaena. Magpinsan sila.



"Ginusto mo rin naman yan. Diba pangarap mong maging journalist?" dagdag ko pa.
Mas lalo siyang umiyak dahil binibiro pa namin siya.




"Come on, girl! We'll get through this! We're already on 3rd year! Ngayon ka pa susuko?" pampalubag loob sa kanya ni Celestyn.



"Sana all one year nalang," sabi ni Jaena na kanina pa naghahanap ng makakainan namin. Civil Engineering kasi ang kurso niya kaya mga dalawang taon pa ang hihintayin niya bago maka-graduate.



Kumain kami sa isang fast food restaurant dahil yun nalang talaga ang natitirang kainan dito. Marami kasing tao ngayon sa mall kaya paunahan sa pagpasok. Pagkatapos kumain, pumunta kami sa Department Store para bumili ng mga damit at sumunod ay sa bookstore. Nang umuwi, sinundo kami ni Manong Joel, na driver namin ni mommy at hinatid muna namin sina Jaena at Illa sa mga bahay nila bago binaba si Celestyn sa condo niya.


Chasing You My LoveWhere stories live. Discover now