CHAPTER 11

81 2 0
                                    

Chapter 11

LATE na akong pumasok sa school. Hindi ko kasi namataan ang oras at alas siete na ako nagising. Mabuti na lang at 9 am pa ang pasok namin ngayon.


Hindi ko masyadong nakikita si Nicholai nitong mga nakaraang araw.  Nagkakasalubungan lang kami sa cafeteria at sa building nila tuwing pumupunta ako roon. Naiinis pa nga ako kasi parang sumasama na sa kanila si Sydney palagi pero pinipigilan ko ang sarili kong mag-react. Sino ba naman ako diba?


Nagkikita din kami ni Elizabeth sa klase at hindi ko rin mapagkakaila na pinagbubulungan niya ako sa mga kaibigan niya pero hinahayaan ko nalang iyon, naniniwala naman ako na mananaig pa rin sa huli kung ano ang totoo.

Naglalakad ako ngayon sa hallway nang building namin. Pinagtitinginan ako ng mga tao. Halata namang alam na nila kung ano ang chismis. So what? Alam ba nila kung ano ang nangyari? Ang hirap kasi sa mga tao ngayon, they will judge you without knowing the whole story. Kung ano ang narinig nila, pinaniniwalaan na nila kaagad. Hindi man lang nag-fact check.


Pumasok ako sa classroom at tumingin lahat ng mga kaklase ko sa akin. Tinignan ko lang din sila dahil hindi ko naman alam kung ano ang nangyayari.


"Cassandra! Mabuti nandito kana!" sigaw ni Rocky at nagdali-daling pumunta sa harap ko. Niyakap niya ako.



"Why? What happened?" Tanong ko sa kanya dahil mukhang may importante ngang  nangyayari ngayon.



"Sis! Si Elizabeth! Pinatawag sa office ng dean! Hindi ko alam kung bakit pero sa tingin ko tungkol iyon sa kaso niyo!" Sabi niya at inalog-alog ang balikat ko.



"Hoy Rocky! Wag ka ngang magpakalat ng chismis! Iba naman siguro ang dahilan kung bakit pinatawag si Eli," singhal sa kanya ni Bianca.


Nagpamewang si bakla at hinarap si Bianca. "Hoy Bianca! Wala naman akong sinabi ah?At isa pa, ako pa talaga ang nagkakalat ng chismis ha? Sino ba ang nagpakalat na magnanakaw itong kaibigan ko kahit hindi pa naman natatapos ang imbestigasyon? Diba kayo? 'Wag niyo akong gawing katulad niyo!" sabi niya. Napatawa ang ilan sa mga kaklase namin dahil medyo napahiya si Bianca roon.



Totoo naman. Alam naman naming sila ang nagpapakalat ng chismis dito sa building tungkol sa akin. Nahiya pa ang mga bruha, hindi nalang ipinost sa Facebook ang ginawa ko raw. Takot lang nila, baka makita ng school at ma-expell.



Pupunta na sana kami sa upuan namin ng bigla nalang bumukas nang malakas ang pintuan at nakita ko ang kaklase namin na si Ana at siya ay hinihingal.

"Cassie! Mabuti nandito kana. Kanina ka pa hinihintay ni ma'am! Pumunta ka raw sa dean's office ngayon!" sabi niya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Sigurado na akong tungkol nga ito sa stealing issue ko. Ano kaya ang nangyari?


"Sige na Cassie pumunta kana doon. Hindi kasi kami pwedeng lumabas kaya hindi kita masasamahan. Huwag kang mag-alala, magiging maayos rin ang lahat," sabi ni Rocky at niyakap ako uli. Lumabas na ako kasama si Ana dahil siya ang inutusan na tawagin ako.



"Ano ba kasi ang nangyayari?" Tanong ko sa kanya.


"Hindi ko pa alam kasi nag-uusap pa sina dean at prof pero sa tingin ko talaga may kasalanang ginawa si Elizabeth kasi nanginginig siya sa takot eh. Hindi naman ako naniniwala na ninakaw mo yun Cassie. Ikaw? Magnanakaw sa kanya? Ang impossible naman. Kayo kaya ni Rocky ang may pinakamagandang gawa palagi sa mga sketches at designs natin," sabi ni Ana. Ano kaya ang ginawa ni Elizabeth at nanginginig daw siya sa takot?


Nakarating na kami sa office. Binuksan ni Ana ang pinto at dumeretso kami papasok. Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko. Nakita ko kaagad si dean na nasa upuan niya at si prof sa harap katabi ni Elizabeth.


Chasing You My LoveWhere stories live. Discover now