CHAPTER 20

67 3 2
                                    

Chapter 20

NAKATINGIN lang ako sa paligid habang sumusunod sa staff na pinadala ni Nicholai sa akin. Tama nga ang sabi ko at fit na fit sa akin ang damit na binili niya. I wondered paano niya nalaman ang size ko. Magaling naman siyang humula.

Hindi naman kalayuan ang pupuntahan namin. Malayo lang ito sa hotel pero sakop parin naman ng resorts. Malapit din sa dagat at maliwanag din ang paligid dahil sa mga ilaw kaya hindi nakakatakot.

Napatigil ako sa pagtingin ng huminto ang staff. Lumingon siya sa akin at nagsalita.

"Nandito na po tayo ma'am," at itinuro niya sa akin sa di kalayuan ang isang fine dining na mukhang inihanda ng boyfriend ko para sa akin.

"Enjoy po ma'am," dagdag pa niya. Nagpasalamat ako sa kanya bago ko siya iniwan para lapitan iyon.

Habang papalapit ako sa area, may boses akong naririnig na kumakanta at piano na tumutugtog.

I found a love...
for me...
Oh, darling, just dive right in...
and follow my lead...

Nang makalapit na nga ng tuluyan, I saw him, my boyfriend, the love of my life, singing a song while playing the piano. Naka-focus siya rito kaya tahimik lang akong nakinig sa kanya.

Well, I found a girl, beautiful and sweet...
Oh, I never knew you were the someone waiting for me...

He turned his gazed on me and smiled a little. Ganoon din ang ginawa ko sa kanya. Inalalayan ako ng isang waiter papunta sa table for two na kanilang inihanda.

Doon ko lang napansin kung gaano ka ganda ang ginawa nila. Maraming fairy lights sa paligid na nakasabit sa maliit na poste. Mayroon ding kandila sa gitna ng mesa habang may mga petals naman na naka-kalat sa paligid.

But darling, just kiss me slow...
Your heart is all I own...
And in your eyes, you're holding mine...

Bumalik ang tingin ko kay Nico na ngayon ay patuloy parin sa pagtugtog ng piano.
He looked so freaking expensive on his dark red long sleeves. Parang international model siyang tignan. Nakaayos pa ang buhok niya kaya kitang-kita ang maamo niyang mukha.

Baby, I'm dancing in the dark with you between my arms...
Barefoot on the grass, listening to our favourite song...
When you said you looked a mess,
I whispered underneath my breath...
But you heard it, darling, you look perfect tonight...

Tumigil siya at tumayo. bitbit ang pumpon ng pulang mga rosas, lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa noo. Pagkatapos ay ibinigay niya ang mga bulaklak.

"Happy Birthday again, my love," he uttered. Umupo siya sa upuan na nasa harapan ko. Magkatapat kami ngayon. The waiter served our food as well as the wine. Almost all the foods are my favorites.

"Thank you so much, babe! Wow! May surprise ka pa ba? Mahilig ka talaga sa mga surpresa, ano? I really appreciate it."

"Of course, you deserve the best that's why I'm doing this."

Kumain na kami at pinag-usapan ang mga kaganapan kanina. Ang mga kaibigan ko kasi, parang mga teenagers lang na nagaaway-away.

"Nagulat nga din ako ng bigla nalang inalis ni Jaena yung robe niya. Naguguluhan din ako sa kaibigan ko na 'yon," saad ko.

"Well, baka nasa in-denial stage pa siya. Just like me before," sagot niya.

"Oo nga. Bakit ba kasi di mo maamin-amin sakin na gusto mo na pala ako. Pinahirapan mo pa ako ng ilang taon," ngumuso ako.

Chasing You My LoveWhere stories live. Discover now