CHAPTER 25

60 3 2
                                    

Chapter 25

"Congratulations, you're ten weeks pregnant, Ms. Mendaveles."

Iyon ang sinabi ng doktor pagkatapos akong i-ultrasound. Bumili kasi kaagad sina Illa at Jaena ng tatlong pregnancy test nang maisip na baka buntis nga ako. Dalawa ang nag-positive at isa ang negative kaya nagdesisyon kaming pumunta kaagad dito sa ospital para magpa-check up.

Ipinakita niya sa akin ang picture kung nasaan ang baby ko.Nakakapit ang kamay ko kay Jaena na kanina pa hinahaplos ang buhok ko. Si Illa naman, naluluha na. Si Drew ay seryoso lang na nakikinig sa kanya.  Samantalang ako, hindi makapaniwala na may buhay na pala sa loob ng sinapupunan ko.

I asked few more questions before we left the clinic. Kailangan na rin malaman nina Manang Elsa ito. I needed to tell them about my baby.

"Kailangan mas maingat ka na ngayon sa mga ginagawa mo, Cassandra. Humingi rin ako sa doktor ng mga listahan ng mga pagkain na pwede mong kainin during your entire pregnancy," saad ni Illa habang nasa byahe na kami pauwi.

"So... may pamangkin na pala ako? Don't worry, Cassie. We will support you. You always have our back," si Drew.

Napatingin ako kay Jaena na mukhang malalim ang iniisip. Ngayon na alam na niya na buntis ako, hindi ko alam kung may balak ba siyang sabihin ito sa kanya.

"Jaena..."

Hinawakan niya ang kamay ko. "Ano na ang plano mo ngayon, Cassie? Alam naman nating lahat na si Nicholai ang ama. Sasabihin mo ba?" Tanong niya.

Napaisip ako. Kapag nalaman ni Nicholai ang tungkol sa bata ay sigurado akong hindi na niya ako iiwan. Mahahati na naman ang atensyon niya para sa pangarap niya at sa amin. Kapag nangyari iyon, baka hindi na naman siya makakapasa. Isa pa, wala pa sa plano namin ang magkaanak yun ngalang, nakaligtaan kong inumin ang pills dahil sa pagmamadali na makauwi dito sa Manila.

I am so sorry Nicholai. I am so sorry if I have to hide our child from you. Ito lang ang naisip kong paraan para matupad mo na ang mga pangarap mo. Maybe in the future, kung hindi pa huli ang lahat... makikilala mo rin ang anak mo.

"Hindi ko na muna sasabihin. Masyado pang magulo. Ako na muna ang tatayong mommy at daddy nang anak ko. Kaya ko naman iyon, hindi ba?"

Jaena nodded and touched my tummy. "Yes, kaya mo 'yan. Nandito lang kami palagi para sa iyo at sa magiging anak mo."

Napabugtong-hininga si Illa. "Ano ba kayo! Dapat matuwa nga tayo dahil may baby na sa grupo natin! Excited na akong malaman kung girl ba o boy! Naku, Cassandra! Dapat ninang kaming lahat, ha?"

Natawa kami sa sinabi niya. "Syempre naman. Ninang at ninong kayong lahat."

*****

"Cassandra, ito may dala akong strawberries na pinabibili mo kanina. Aba'y ang hirap palang hanapin nito! Mabuti nalang at nakakita pa ako doon sa suki kung tindera," saad ni Manang Elsa ng pumasok siya sa kwarto ko. Nagc-crave kasi ako ng strawberries kaya nagpabili ako sa kanya. Mabuti nalang at nandito si manang at may nag-aalaga pa sa amin ni baby.

"Salamat po manang. Sorry if nahirapan po kayo."

"Naku! Wala iyon! Para sa mahal kong alaga..." Tinignan niya ang tyan ko na medyo lumalaki na. "At sa magiging alaga ko rin."

Chasing You My LoveWhere stories live. Discover now