CHAPTER 6

93 3 0
                                    

Chapter 6

PARANG wala sa sarili akong sumisilip sa labas nang bintana ng sasakyan ni Nicholai. Nasa shotgun seat ako nakaupo at siya naman ang nasa driver's seat at nagmamaneho. Pumunta kami sa police station pagkatapos nang insidente para magreport at sinabihan niya ako na siya nalang daw ang maghahatid sa akin pauwi. Alas Dos na nang madaling araw kaya nagtext ako kay Manong Joel na kanina pa pala tumatawag sa akin na si Nicholai nalang ang maghahatid sa akin pauwi. Kilala naman niya ito dahil palagi kong tinuturo ang lalake sa kanya tuwing sinusundo niya ako.

"Don't worry, he'll pay for what he did to you," mariin na pagkakasabi niya na ang tingin ay nasa daan parin. Hindi na ako sumagot at tumango nalang dahil pagod na pagod na ako sa mga nangyari sa akin buong araw. Mahirap man paniwalaan pero nakita ko sa mukha ni Nicholai ang labis na pag-aalala kanina ng makita niya akong umiiyak. Kahit nung nasa police station kami ay nandidilim parin ang tingin niya sa lalaking nambastos sa akin. May tinawagan din siya na abogado para ayusin ang sinampa kong kaso. Gusto ko man siyang pigilan pero nahihiya ako at wala akong lakas na makipagtalo dahil baka hindi rin naman niya ako sundin. Siguro kapag nangyari ito sa iba o kaya Sydney ay ganoon din ang magiging reaksyon niya.

Tumigil ang sasakyan. Nasa labas na pala kami ng bahay. Tinanggal niya ang seatbelt niya at lumabas sa kanyang Range Rover  papunta sa pintuan ng sasakyan sa side ko. Tinanggal ko na rin ang seatbelt ko at nang buksan niya ang pinto ay lumabas na ako.

"Nicholai, salamat. Sasabihin ko nalang kay mommy ang nangyari para maasikaso ang bayad ng abogado na tinawagan mo kanina," mahina ang boses ko dahil sa pagod.

"Okay besides, it's also your mother's right to know," sabi niya at tumango ako.

"Matulog kana, madaling araw na rin. Goodnight Cassie," dagdag pa niya. Hindi ko alam pero may kung anong sensasyon akong naramdaman ng tawagin niya ako sa palayaw ko. Madalas kasing 'Cassandra' ang tawag niya sa akin.

"Umaga na Nicholai, pero sige goodnight din.Salamat talaga," tumango lang siya at pumasok na ako sa loob nang bahay. Narinig ko rin ang pagpasok niya sa sasakyan na umalis din kaagad.

Pagbukas ko ng pinto nang bahay ay bumungad kaagad sa akin ang nangingitim na mga mata ni mommy. Bumalik ang kaba na aking naramdaman kanina at hindi ako makapagsalita.

"Saan ka nanggaling?" mariin na tanong niya na may halong galit at pagdududa.

"Mommy, sorry ano kasi---"

"Alam mo ba kung anong oras na Cassandra, ha!?" biglang tumaas ang boses niya na nagpanginig ng mga balahibo ko sa kamay. Tumingin ako sa likod niya at nakita sina Manang Elsa at Manong Joel na nagaalalang tumitingin sa akin.

"Mommy ano kasi pumunta ako sa resto bar na pinuntahan namin noong nakaraan at---"

"At ano!? Uminom ka!? Ikaw lang!? Sino kasama mo ha!? Sino naghatid sa iyo pauwi dito!? Nasan siya!? Cassandra lumalandi ka na ba!?" Sabay-sabay na pagsermon niya sa akin na siyang kinuyon ng mga kamay ko. She didn't even asked me about what happened and why I was late or I am okay. Inakusaran na niya kaagad ako na lumalandi.

"Mommy hindi po ako lumalandi. May nangyari po kasi kaya hindi ako nakauwi agad," sabi ko. Hindi ko alam kung papaano ipapaliwanag sa kanya ang nangyari gayong galit na galit siya sa akin.

"Huwag ka nang magsinungaling! Kilala kita Cassandra, alam kong sa edad mong yan ay malamang may boyfriend kana! Ano? Anong ginawa mo at alas dos kana nang madaling araw nakauwi!?" patuloy parin siya sa pagsasalita kaya pumikit nalang ako para mapigilan ang mga luha babagsak na sa mga mata ko. Someone just sexually harrased me mom.

Chasing You My LoveWhere stories live. Discover now