CHAPTER 10

93 4 0
                                    

Chapter 10

I WOKE up early and prepared myself for our date. Sabi ni Nicholai 11 am niya ako susunduin but I want to get ready as early as possible. Excited ako eh!

"Good Morning Manang!" I greeted Manang Elsa who's preparing our breakfast in the dining table.

"Ang ganda ng gising natin ngayon ah," sabi niya at tumawa ako ng slight.

"Syempre naman po. Sino ba naman ang hindi magaganahan gumising kung may lakad kayo nang crush mo mamaya!" I giggled.

"Yung lalake ba noong nakaraang araw? Naku anak, baka may gusto na nga sa'yo iyon!" Sabi niya kaya parehas kaming natawa.

"Manang naman, huwag po muna tayong umasa baka kasi hindi legit pero kung totoo man, mahihimatay talaga ako!"

Nagkwentuhan pa kami hanggang sa dumating na si mommy mula sa taas. "Good morning," sabi niya in a serious tone. Nagkatinginan kami ni Manang Elsa kasi hindi ko alam kung narinig ba ni mommy ang pinag-usapan naming dalawa! Walang alam si mommy tungkol kay Nicholai!

"Good morning mommy," I said and smiled at her. Hindi pa kami nagkakaayos simula noong nakaraang Sabado. Tapos dinagdagan pa nitong problema ko sa school kaya mas naging malayo kami sa isa't-isa. I'm also trying my best to explain myself and talk to her but I guess she won't really listen to me.

She just nodded ang started eating. I ate pancakes while mommy had bacon and toasted bread. After eating, she drank her coffee and went to her room then minutes later, she left for work.

"Manang aalis ako mamaya ha. Si Nico nadin po ang susundo sa akin," sabi ko kay Manang habang tinutulungan siya sa paghuhugas ng mga pinggan.

"Sinabi mo na sa akin yan kanina. Basta mag-iingat ka ha? Alam mo naman sa panahon ngayon, jusko! Mag-enjoy ka sa date ninyo!" sabi niya.

I went to my room and took a bath. Medyo natagalan pa ako sa pagpili ng damit. In the end, I decided to wear high-waisted maong ripped jeans, partnered with peach square neck top. Naglagay pa ako ng sunblock at light make up, then I curled my eye lashes and tie my hair in a ponytail para mas lalo akong magandang tignan mamaya pagdating niya. Maliit lang din na sling bag ang dala ko at nagsuot ako ng white sneakers.

Mabilis akong nag-ayos dahil narinig ko na ang pag-tigil ng sasakyan sa labas ng gate. I went out and asked Manang Elsa to open the gate for him dahil sigurado akong siya na 'yon at bumalink ulit sa kwarto para tignan ang sarili ko sa salamin bago bumaba at harapin si Nicholai.

"Wag kang tatanga-tanga sa harap ng crush mo, Cassie. You have to look confident, pretty and mahinhin sa date niyo ngayon," I calmed my self before finally went downstairs to greet him.

"H-hi!" I greeted him with a genuine smile on my face. Nahihiya ako!

Nico stood up and smiled back at me. He was wearing maong pants and plain peach-colored t-shirt and white shoes, matching my color! Nahalata niya siguro na tintignan ko ang suot niya kaya tinignan niya rin yung sa akin bago niya narealize na same kami ng color ng outfits!

"We looked like a couple hehehe," I said. I didn't know if I'm just hallucinating but I saw him blushed!

"L-let's go?" sabi niya at tumango ako. Nagpaalam muna kami kay Manang pagkatapos ay lumabas at sumakay na sa sasakyan niya.

"Saan nga pala tayo pupunta?" tanong ko habang nasa byahe kami. Hindi ko nga pala na tanong sa kanya kahapon kung saan niya ako dadalhin.

"Let's eat lunch first," he said and silence enveloped us again. Pinaandar ko nalang yung radio niya dahil nakakailang ang katahimikan na nababalot dito sa loob ng sasakyan.

Chasing You My LoveWhere stories live. Discover now