CHAPTER 28

63 4 0
                                    

Chapter 28

Hinayaan ako ni Ate Mayce na tulungan siya sa pag-aasikaso ng mga kailangang gawin sa pagpapatayo ng branch ng Pretty Threads dito sa Batangas. Mabuti nalang at nakabili na pala siya ng lupa dito na malapit lang din sa bakeshop ko. Bukas ay kakausapin na namin ang magiging architect ng building. Sasamahan ako ni Jaena at nang assistant ni Ate Mayce sa transaction.

Nai-imagine ko pa lang kung ano ang magiging kalalabasan ng proyekto namin ay excited na ako!

"Mommy, what's that?" Pumasok si Blaire sa kwarto at tumabi sa akin sa kama. Naabutan niya akong tinitignan ang mga sketches at designs ko dati noong nag-aaral palang ako at nagt-trabaho. Umawang ang labi niya ng makita ang mga drawings ko.

"Wow mommy! Ang ganda ng mga dress!"

I chuckled. "Yes, baby. Ako ang nag-design nyan."

She looked surprise and amazed. "Really mommy? You did?"

I nodded. "Yes. I made this when I was still a fashion designer. You know? Remember what I told you? The one who draws and make beautiful dresses?"

Her eyes widened and they were shining. "You're so good mommy! I want to be like you too!"

Bigla kong naalala ang sarili ko noon sa anak ko. I used to tell that to mommy too.

"You want to be like mommy, baby? Then you have to be brave and good girl," I told her and caressed her hair.

"Yes mommy! I will!" She giggled.

We both looked at my drawings. I also showed her some of my projects that I brought with us when we left our house in Manila.

"Mommy, does daddy knows how to draw to?"

I was taken a back when she asked me that. Hindi niya alam na mas magaling pa ang daddy niya sa akin.

"Uhm...y-yes, anak. Your daddy is good at drawing too." Architect lang naman ang tatay mo.

Mas lalo pa siyang namangha. "Wow! So does it means, I'm good at drawing too!"

Tipid akong ngumiti at tumango sa kanya. "Basta mag-practice ka lang nang mag-practice, magiging magaling ka rin," saad ko.

Umalis ang tingin niya sa akin tsaka may kinuha sa loob ng kahon. Nanlaki ang mga mata ko ng makita na ang kinuha niya ay ang magazine na ginawa namin noon nina Nicholai at Jaena. Lagot!

"Huwag!" Sabi ko na ikinagulat ng anak ko. Halos lahat ng pictures dyan ay sa ama niya! Baka magtaka siya na magkamukha sila!

I sighed. "Liligpitin na kasi ni mommy ang mga ito anak..." sabi ko at dahan-dahan na kinuha sa kanya ang magazine at nilagay sa box. "Kailangan mo na rin maligo kasi..." inamoy ko ang kilikili niya. "Medyo maasim kana."

Sumimangot siya. "Mommy!" She shouted and crossed her arms. I laughed and hugged her tight. "Eto naman! 'Di mabiro! Mabango ka parin pero kailangan mo nang maligo para fresh ka, okay?"

Nakasimangot parin siya kaya hinalikan ko ang tungki ng ilong niya. "I love you!"

Unti-unting nawala ang busangot sa kanyang mukha at napalitan ito nang ngiti. She also kissed me. "I love you too, mommy!"

*****

Kinabukasan ay sinundo ako ni Jaena sa bahay at sabay kaming pumunta sa isang mamahaling restaurant na nasa loob din ng mall. Ngayon ang araw na kakausapin namin ang magiging architect ng store.

"Nasabi ba sa'yo ni Ate Mayce kung sino ang architect na kakausapin natin?" Tanong ko.

"Sa pagkaka-alam ko ay si Architect Martinez ang kinuha ni Miss Santos," sagot niya.

Chasing You My LoveWhere stories live. Discover now