CHAPTER 8

98 3 0
                                    

Chapter 8


HINDI naman ako nananaginip diba? Kakahatid lang sakin ni Gio kanina. Tama naman siguro ang narinig ko? Pumayag na si Nicholai na maging model ko?

"Uhm... Wait, teka lang. G-gusto mong maging model ko? I mean, pumapayag ka na?" i asked him.

Tumango siya. "Yeah..."


"Pero sabi mo busy ka? Madami kayong projects? Hindi ba baka maka-abala lang ako sa'yo?"


"I don't think so. I know how to manage my time, Cassandra," sagot niya.


Pinipigilan ko ang sariling ngumiti. Ibig bang sabihin nito paglalaanan na niya ako ng oras?

"Uh...sigurado ka? Pwede namang hindi nalang... May nahanap na rin naman ako pero di ko pa nakakausap..."

He bit his inner cheeks and moved his jaw aggressively. Kalma Cassie, huwag kang mahimatay!


He took a step in front of me, closing the distance between the two of us so I moved myself backwards.


"I told you, I can manage my time. I wouldn't go here and wait for you 'till seven if I'm not willing to do so," he said and moved his head a little forward.


Tumikhim ako at lumayo sa kanya. Lokong to! Alam naman niyang crush ko siya tapos ito ang ginagawa niya sakin!?


"Sige. Pagiisipan ko at salamat dahil tinanggap mo ang offer ko. Umuwi kana gabi na rin... B-baka hinahanap kana sa inyo," sabi ko at hinawakan ang gate dahil baka mahimatay ako nang wala sa oras sa ginagawa niya sakin!


Tumango siya. "Okay," tumayo siya ng tuwid pero nakatingin pa rin sa akin. Hindi ko mabasa kung ano ang iniisip niya dahil seryoso lang ang mukha niya. "See you tomorrow. Goodnight Cassandra," sabi niya at lumapit na sa sasakyan niya.


"Nico!" hindi ko na napigilan ang sariling tawagin ang pangalan niya. "Sweet dreams," sabi ko at pumasok na kaagad sa loob. I heard the door of his car closed. Naghintay pa ako ng ilang segundo bago buksan muli ang gate at tinignan kung naka-alis na ba siya. Nakahinga ako ng maluwag nang lumabas ako at wala na ang sasakyan niya sa paligid. I jumped out of nowhere releasing all the kilig that I felt earlier.


"Oh My Gosh! Oh My Gosh! Did he just say yes!? He's my model now!? OMG!!!" tumitili ako sa kilig dahil sa nangyari.


"Anak, ano ginagawa mo dyan?" biglang sumulpot si Manang Elsa sa gilid ko kaya napatalon ako sa gulat.

"Manang naman! Nanggugulat ka! Kanina ka pa dyan?" tanong ko sa kanya.

"Oo, simula noong dumating ka naroon ako sa gilid tinapon itong basura. Mukhang luma-love life na ang alaga ko ah?" pang-asar niya at kinurot ang pisngi ko.

OMG! So all this time nasa gilid lang namin si manang!? Tapos na-witness niya yung sa amin ni Niko!? Nakita niya rin kung pano ako tumalon-talon dito!?

"Diba siya yung crush mo simula noong high school ka pa? Umamin na sa'yo?" nangingiting tanong niya. Kinukwento ko kasi sa kanya si Nico noong Senior High School pa lang kami at pinapakita ko rin mga pictures niya.

"Ikaw Manang ha... Kasapi ka na rin nang mga marites! Hindi siya umamin, pumayag lang siya sa request ko..." I said smiling like an idiot remembering how he looked at me
earlier.

"Ay sus! Doon rin naman patungo iyon! Mukhang matino naman siya, anak. Alas cinco kapa hinihintay nun dito.Ang sabi ko nga, pumasok muna siya pero sabi niya hihintayin ka nalang niya rito sa labas." sabi ni manang. Hala! Dalawang oras siyang naghintay dito sa labas?

Chasing You My LoveWhere stories live. Discover now