CHAPTER 36

57 1 0
                                    

Chapter 36

As long as I wanted to fix our relationship, I couldn't. Marami na ang nangyari at nagbago sa amin. Kung noon, isa lang akong babaeng naghahabol sa atensyon niya, iba na ngayon.

I am a mother now...and my priority is to put my daughter's welfare first before anything else. More than myself.

"Marami nang nagbago, Nicholai. If you're doing this just for the sake of having a complete family for Blaire then---"

"I'm still in love with you, Cassandra... I never stopped," he cut me off.

"Pero hindi na ako ang dati mong minahal, Nico. I'm different now. Ikaw rin, marami na rin ang nagbago sa'yo," I said.

"And we're supposed to, right? You told me before... that we should break up to fix ourselves from the pain that we gained," he uttered.

"I'm not rushing you, Cassie and I won't ask for assurance. If you're still not ready then I don't mind waiting. Just give me a chance to prove myself again to you...and to Blaire," he added.

I tried to smile but I failed. My chest heaved and my heart was burning with different sensations.

"Sige, hindi naman kita pipigilan. Bahala ka kung ano ang gusto mong gawin," I said.

He chuckled lowly. "Thank you."

Kumunot ang noo ko. "Para saan?"

"For raising our daughter.....and for coming back."

*****

Hindi ko alam kung paano kami nakauwi at natapos ang araw na parang normal lang ang nangyari at wala siyang inamin sa akin. Basta naalala ko nalang na bago siya umalis sa unit ni Jaena ay sinabihan niya ako na alam na ng parents niya ang tungkol kay Blaire and they wanted to meet her before we go back to Batangas.

The next day, I was preparing myself and Blaire for the dinner later at Nicholai's parents house. I decided to wear my simple pink silk dress and my daughter wore her new favorite cute pink dress that her father bought to her yesterday before we got home.

"Meeting the parents ka na girl," saad ni Jaena pagpasok sa guestroom. Blaire was watching TV while I was doing my make-up.

"Gusto nilang makilala si Blaire," sabi ko, hindi lumilingon sa kanya.

From the mirror's reflection, I saw her sitting at the end of the bed and watching me fixing myself.

"Kamusta pala kayo kahapon? Pagod ka na kasi pag-uwi kaya hindi na ako nagtanong."

"Nagkita kami ni Elizabeth, humingi siya ng tawad pero parang hindi ko pa kaya. Nakipagkita si kami kay Atty. Chavez," sagot ko.

"It's okay. You don't have to force yourself to forgive her right away. May tamang oras para dyan," sabi niya.

"Oo nga. Tsaka kahapon, pumunta kami sa Montalex...."

Nakita kong kumunot ang noo niya. "Anong ginawa niyo dun?"

I put the make up brush on my cheek and brushed it. "Kumain ng street foods..."

"Yun lang?"

I swallowed hard. "Tinanong niya rin ako kung pwede ba siyang manligaw---"

"Huy! Putang---" bigla siyang sumigaw kaya nagulat ako at lumingon sa kanya. She covered her mouth with her hands to stop herself from cursing.

"Yung bibig mo! Marinig ng anak ko!" suway ko sa kanya pero nakatingin lang siya sa akin na parang gulat na gulat.

Inirapan ko siya at humarap ulit sa salamin pero mas lalo akong nainis dahil sumobra ang blush on na nalagay ko! Ayan tuloy, nagmukha akong si Sasa!

"Sorry, nagulat lang! Hindi naman narinig nang bata dahil busy siya sa TV."

Chasing You My LoveWhere stories live. Discover now