Prologue

186 5 1
                                    

Prologue

My Motto In Life

"Kapag may crush ka, umamin ka... okay lang masaktan, at least wala kang pagsisisihan."

They say if you have a crush, parang sumisigla ang buhay mo. Nagaganahan kang gumising araw-araw, palagi kang nakangiti, siya ang iniisip mo sa bawat oras, yung feeling na excited kang makita siya kahit pa sulyap-sulyap lang.

Siguro tama nga sila. Kasi ako? Nararamdaman ko 'yan sa kanya araw-araw. Maaga akong gumigising para maabutan ko siya sa school. Nagpapaganda din ako para magmukha akong kaaya-ayang tignan sa kanya. Tudo aral ako para magustuhan niya. Siya ang iniisip ko tuwing breaktime namin. Kung kumain na ba siya? Mataas kaya scores niya sa mga quizes? Anong ginagawa niya? Parang ganun. Gusto kong malaman kung ano ang mga iniisip niya. Kung iniisip din ba niya ako.

Happy crush ko lang naman siya pero halos limang na taon ko na siyang gusto. Na Crush at First Sight ang baliw!

***

Nicholai Crislei Pontevuera

Pangalan palang ramdam mo nang mahirap abutin. Matalino, matangkad, tama lang ang kulay ng kanyang balat, gwapo, higit sa lahat mabait at marespeto. Alam ko yan kasi sa ilang taong paghanga ko sa kanya nalaman ko na kung paano siya kumilos at makipaghalubilo sa kapwa. Tahimik lang siya at palaging busy sa pag-aaral. Sa tuwing nagkikita kami parang kung ano-anong paro-paro ang lumilipad sa tsan ko at ang puso kong hulog na hulog sa kanya.

Dahil sa kanya hindi boring ang huling dalawang taon ko sa high school. Na kahit sobrang hirap nang topic at lessons namin, tuwing nakikita ko siya gumagaan ang pakiramdam ko.

Ngayong nasa 3rd Year College na kami, kahit magkaiba ang kursong kinuha namin, ganun padin naman, walang nagbago. Crush ko pa din siya. Hindi ako magsasawa hanggang sa mapansin niya ako.Sabihin na nating, nakukulitan na rin siya sakin, pero malay mo? Baka gusto niya rin pala ako?

(。♡‿♡。)

If you're not into cliché-plot stories then this work of mine is not for you. You are free to leave. Thank you!

Chasing You My LoveWhere stories live. Discover now