CHAPTER 15

76 3 0
                                    

Chapter 15


Hiyawan, sigawan at halakhak ang naririnig ko sa paligid dahil nandito ako ngayon sa grandstand para manood ng football game ni Marco. I'm here to support my friend! Sa lahat ng mga special events ng mga kaibigan ko, sinisiguro ko talaga na nandoon ako dahil gusto ko pang bumuo ng mga memories na kasama sila.


Sa future, for sure magkakaroon na kami ng kanya-kanyang mga buhay. Some will work abroad, and some will stay here. Hindi na kami madalas magkikita at magiging busy na rin kami sa mga trabaho namin kaya ngayon palang, sinusulit ko na.



"Bilhan mo 'ko ng popcorn! Yung cheese flavor, please!" Utos ni Illa kay Kiel na kanina pa pabalik-balik dahil sa kanya kami nagpapabili ng pagkain. Nagkaroon kasi kami ng pustahan at siya ang natalo kaya parusa namin sa kanya ang bilhan kami ng pagkain sa laro ng kaibigan namin. Nakakulay Red kaming lahat dahil iyon ang color ng LVSU. Nanghiram lang ako kay Celestyn t-shirt para hindi mapaghalataan na mula ako sa ibang school.


"Si Jaena nasaan na?" Tanong ko kay Celestyn na katabi ko ngayon.


"Susunod daw siya. May pinuntahan lang," sagot niya.


Nagsimula na ang game at kabado kaming lahat! Maraming nagsisigawan at todo cheer din ako sa LVSU kahit hindi naman ako taga-roon!


"L!...V!...S!...U!....LVSU!"

"GO MARCO!"

"GO FIGHT! GO WIN! GO FIGHT, WIN!"

"FAJARDO MAHAL KITA!"


Napitingin kami doon sa isang babaeng sumigaw kay Marco. Natawa nalang kami dahil mukhang nababaliw na nga siya kaka-cheer sa lalaki. Sa pagkakaalam ko kasi, sikat si Marco sa university dahil maliban sa football player siya, miyembro rin siya ng banda. Habulin din ng mga babae si loko kahit makulit siya! Ang feeling din niya!



Habang nanonood ng laro, bigla kong naramdaman ang pag-vibrate ng phone ko. I checked it and it was Nicholai who sent a text.


Nico:
Busy?

Me:
I'm watching a football game...



Nakalimutan ko nga pala sabihin sa kanya na manonood ako ngayon ng laro nina Marco.


Nico:
Oh okay, enjoy watching!

Me:
Okey po... I'll chat you later!

Nico:
Just be safe.

Me:
Opo sir <3



Napatigil ako sa pagchat ng makita kong dumating na si Jaena. May dala rin siyang mga pagkain. Tumabi siya sa akin at ngumiti.



"Bakit ngayon ka lang? Second half na."



"May dinaanan pa ako eh. Mabuti na nga lang naka-abot pa. Kamusta? Naka-goal na ba?"


Umiling ako pero ng bumaling ang tingin namin sa field ay saktong naisipa ni Marco ang bola at tumama iyon papasok sa net kaya nagsitatalon kami sa sigaw at tuwa!

Chasing You My LoveWhere stories live. Discover now