CHAPTER 32

72 1 0
                                    

Chapter 32

Umiiyak ang anak ko sa loob nang kwarto. Nawala ang antok at sakit ng ulo ko. Sigurado akong natatakot siya dahil wala siyang katabi paggising niya.

"May bata dito?" Narinig kong nagtatakang tanong ni Nicholai.

"Ah...oo! Inaanak ko. Ako kasi ang nagbabantay," sagot ni Illa.

I feel sober now. Dahan-dahan akong bumangon kaya napatingin silang dalawa sa akin.

"Ayos na ako. Maraming salamat sa paghatid,Nicholai. P-pwede kanang umalis." Saad ko.

Nicholai sighed and nodded. "Okay..." usal niya tsaka umalis ng unit.

"Maglinis at magbihis ka na muna at uminom ng tubig bago pumunta ng kwarto. Ako na ang bahala na magpatahan kay Blaire," sabi ni Illa. Sinunod ko ang sinabi niya.

Nagmumog ako nang mouthwash at nag-half bath. Binigyan ako ni Illa ng damit kaya nagbihis na rin ako.

Lumabas ako ng banyo at nakita ko si Jaena na nakahandusay sa sahig, lasing na lasing at nawalan na ng malay.

"Sinabi ko na sa'yo kanina na huwag kang uminom ng marami dahil baka kung ano ang mangyari sa'yo! Hindi ka nakinig!" Singhal ni Illa sa pinsan habang inaayos niya ito sa couch.

Hindi na ako nagsalita at dumeretso nalang sa guestroom upang silipin si Blaire. Tumigil na siya sa pag-iyak at natulog na ulit. Lumapit ako at humiga sa tabi niya. Tinitigan ko nang matagal dahil sobrang himbing ng tulog niya.

"Sorry, baby. Hindi na ulit ako maglalasing ng ganoon ulit..." bulong ko at hinalikan ang noo niya at natulog na rin.

*****

"Ang tanga-tanga ko kagabi," sinabunutan ni Jaena ang sarili niya habang inaalala ang mga ginawa niya kagabi sa bar. Paano naman kasi, sumuka raw siya sa sasakyan ni Marco. Eh, yung isa umiyak kasi ang mahal daw magpa-car wash.

"Same," sagot ko rin ng maalala ang mga ginawa namin kagabi.

"Mabuti naman at alam niyo," singit ni Illa at inilapag ang dalawang mangkok na may laman na sopas na niluto niya para sa amin. Nandito kami ngayon sa kusina.

"Ugh! Ako na sasagot sa pa-car wash ni Marco. Nakakainis! Ba't kasi ako sumuka doon," sabi niya.

Napabugtong-hininga na lamang si Illa tsaka tumingin sa akin. "Ikaw? Kamusta ka naman?"

"Okay na. Salamat nga pala kagabi, Illa sa pag-alaga sa anak ko." sabi ko.

She chuckled. "No probs! Pero muntik kana kagabi! Mabuti lang umalis din siya kaagad."

Napatigil si Jaena. Mukhang nagtataka kung ano ang tinutukoy namin ng pinsan niya. "Ha? Bakit? Anong nangyari?" Tanong niya.

"Si Nicholai ang naghatid sa akin dito kagabi," saad ko.

"Oh tapos?"

"Narinig niya na umiyak si Blaire."

Natahimik siya ng ilang sandali pero nagsalita din naman siya kaagad. "Nagtanong siya?"

I sighed. "Oo pero si Illa ang sumagot sa kanya. Hindi na siya nagtanong ulit at umalis," sagot ko.

Napakamot ng ulo niya si Illa. "Kailan mo ba  sasabihin sa kanya ang tungkol sa anak ninyo? Nakakaba eh! Akala ko kagabi revelation na! Jusko Cassandra muntik na akong atakihin sa puso! Obviously...Nicholai is still in love with you. So what's stopping you from telling him about Blaire?"

"Oo nga. Lumalaki na rin ang anak niyo. Sigurado akong nagtatanong na siya tungkol sa daddy niya," dagdag pa ni Jaena.

Sumagot ako. "Naghahanap pa ako ng magandang tiempo. Ayoko tong madaliin...hindi pa ako ready..."

Chasing You My LoveWhere stories live. Discover now